www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

Pinoy Quiz (Hindi-Showbiz)

Sa mga hindi showbiz pero Pinoy at heart, heto naman ang mga katanungang sana'y masagot ninyo. Rated PG-13 po, dahil ang ibang sagot, magulang niyo na lang ang makakaalam.

1. DOBOL TALK.
Mga salitang dalawang beses inulit tulad ng "haka-haka" at "sari-sari" ang sagot sa mga ito.

a. Bulkan sa isla ng Camiguin.
b. Isla sa Mindanaw na isa ring lalawigan.
c. Pinagsama-samang mga prutas para may malamig kang panghimagas.
d. Enero, Pebrero, Marso, Abril Mayo... lahat ng buwan sa kalendaryo, nabanggit sa katutubong awitin na ito.
e. Daliri ang gagamitin para makapamili ng pagkaing gusto mo sa karinderyang ito.
f. Ang ugat ng salita ay ibon, pag iyong inulit, isa na siyang isda.
g. Kending matigas, matamis, mahaba at mahirap nguyain.
h. Pinakasimpleng saranggolang yari sa lumang papel o diyaryo.
i. Maaksyon na lugar sa Sampaloc, Manila.
j. Sugal na natatagpuan sa mga perya.

2. OKATOKAT!
Mga kababalaghan na ating kinatatakutan.

a. Anak na di nabinyagan, ang anak ni Janice.
b. Chain smoker sa itaas ng puno ng mangga.
c. Kalahating katawan pero buong-buo ang lakas sa liparan.
d. Kalahating tao, kalahating kabayo, lumalabas kapag nagsabay ang tag-init sa tag-ulan.
e. Dyowa ng sirena.
f. Ang babaeng nagpapakita sa Balete Drive.
g. Mahilig mambiktima ng mga buntis, dila ang gamit para masipsip ang bagets.
h. Takbuhan ng mga kinulam sa baryo para makontra ang bisa nito.
i. Pag siya'y iyong nakitang nakaitim at may dala na karit, patay kang bata ka, kukunin ka na ni Lord!
j. Tabi-tabi po at baka matapakan niyo pa ito.

3. MGA BATANG KALYE
Sa mga mahilig gumala, anong kalye ang tinutukoy dito?

a. Dating pangalan ng Roxas Boulevard.
b. Dating pangalan ng EDSA.
c. Kalye sa Quezon City na puno ng funeraria.
d. Kalye sa Quezon City na puno ng masahista.
e. Kalye sa Pasay City na puno ng motel.
f. Kalye sa Maynila na pinagdarausan ng protesta ng estudyante at aktibista
g. Kalye sa Makati na katumbas ng Wall Street sa Amerika.
h. Kalye sa Maynila na noo'y shopping center tulad ng Greenbelt Area
i. Kalyeng dinaraanan ng LRT bukod sa Taft Avenue
j. Hanggang pang-ilan ang mga Avenue ng Kalookan? (1st Ave., 2nd Ave., ...)

4. LAB KITA MAKATI - NOON
Panahong Makati Commercial Center pa ito, hindi Ayala Center. Kung masagot mo, malamang lagpas 30 anyos ka na.

a. Sa letrang S, ang nasunog na restaurant at coffee shop.
b. Sa letrang E, ang coffee table book store sa PECO.
c. Sa letrang BB, ang sikat na drugstore.
d. Sa letrang A, ang sikat na bookstore.
e. Sa letrang R, ang sikat na sinehan.
f. Sa letrang L, ang sikat na coffee shop na matatagpuan sa sinehan.
g. Sa letrang A, ang sikat na fastfood center.
h. Sa letrang R, ang sikat na disco.
i. Sa letrang J, ang nausong fashion store sa PECO.
j. Sa letrang S, ang sikat na department store (hindi ShoeMart).

5. LAB KITA MAKATI - NGAYON
O sige na nga, panahong Ayala Center na tayo.

a. Bilihan ng damit, kapangalan ng fairytale character.
b. Me-too ng Area sa Glorietta 4, isang home furnishing store na may coffee shop din.
c. Pumalit sa dating "Kalye" sa Carlos Palanca St., Legaspi Village, serving Guiness beer.
d. Make-up store sa Glorietta na katapat ng Figaro Coffee Shop.
e. Dito umoorder ng hard-to-find CD's sa ilalim ng Greenbelt Mall.
f. Pangalan ng video arcade sa tapat ng Music One sa Glorietta.
g. Latest hair salon sa 6750 Building
h. Masarap na pasta, masarap na limonata, coffee shop sa tapat ng Sukhothai, Glorietta.
i. Aling sinehan ng Greenbelt ang may Guaranteed Seating?
j. Pangalan ng live band bar sa 2nd floor ng Shangri-La Makati.

6. SAMPUNG SIKAT
a. Sa letrang L, sikat na chicharon.
b. Sa letrang B, sikat na pagawaan ng sapatos.
c. Sa letrang F, sikat na bibingkahan.
d. Sa letrang A, sikat sa chicken barbeque sa Roxas Boulevard.
e. Sa letrang Q, sikat na palengke sa Quiapo.
f. Sa letrang A, sikat na tindahan ng kalapati sa Recto.
g. Sa letrang C, sikat na bilihan ng lovebirds, bisikleta at Nike Air shoes.
h. Sa letrang T, sikat na istasyon ng tren na ngayo'y isang mall na rin.
i. Sa letrang R, sikat na tindahan ng plaka at hi-fi components.
j. Sa letrang D, sikat na tindahan ng mga tela sa Maynila.

7. OUT OF STOCK
Mga sikat na brands at produkto na hindi mo na makikita ngayon.

a. Sa letrang D, delatang evaporada.
b. Sa letrang F, root beer softdrinks, hindi Fanta.
c. Sa letrang D, gatas in tetrapack, in vanilla, chocolate and strawberry flavors.
d. Sa letrang D, shampoo ng artista, pati litrato nila makikita mo sa botelya.
e. Sa letrang H, shampoo na pinasukan ng itlog ang botelya.
f. Sa letrang V, cream deodorant at anti-perspirant.
g. Sa letrang C, cough syrup na gamit ng mga durugista.
h. Sa letrang S, 2-in-one shampoo na gamit ni ZsaZsa Padilla.
i. Sa letrang E, gasul at gasolinahan.
j. Sa letrang S, baretang panlaba, magapatuka ka na lang sa ahas.

Galing sa email na ipindadala ni: Ayan Hazelle L. Flores

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.