Bayani.com Kuwento
Friday, April 06, 2007
Semana santa na po! Walang tao ngayon sa mga lansangan ng maynila. Hindi ko alam kung bakit maraming mga Pilipino ang nagbabakasyon ngayon sa panahong ito. Puno raw ng tao sa Boracay. Parang divisoria na daw po. Papunta na po ako sa Ateneo para magsimba.
May mga naayos po ako sa Bayani.com. Tatapusin ko po ang mga pagbabago bago matapos ang linggo. Sana po ay marami ang bumisita. Pero ang mas importante ay sana mas marami ang mga makaalala na sa Panahon ng Semana Santa, naghirap po ang Ating Panginoon para mailigtas po tayo sa kasalanan.
Sunday, July 24, 2005
Walang pasok sa Lunes. Bakit? Dahil may SONA (State of the Nation Address) si Presidente GMA. Sana e hindi na bakasyon dahil hindi naman nakatutuwa para sa mga negosyante ang laging may bakasyon. Dapat tama lang at hindi sobra.
Tuesday, May 17, 2005
Umulan nga! Salamat naman pero sandali lang kaya konti lang ang inilamig. Habang malamig, ginanahan akong mag-ayos kaya talagang maayos na ang Balitaan. Bisita naman kayo at makihalubilo. Kung nagugustuhan ninyo ang mga pagbabago na nagaganap sa ating Bahay Kubo sa Internet, sabihin niyo lang doon.
May bagyo raw na darating! Salamat naman. Crising daw ang pangalan. Kahapon po ay umabot ng 94.7ºF. Ngayon, 91.2ºF o 32.9ºC. Sa gabi, mga 87-89ºF sa kuwarto kong walang air con. Kahapon daw ang isa sa araw na may pinakamataas na temperatura. 38.0ºC o 101ºF sa Tuguegarao City, Cagayan, 2:45 ng hapon.
Pampawid sa init pero sana wala namang mawalan ng buhay o mapinsala.
Ilang taon na po ang nakaraan nang nagsimula ang Bayani.com. Magsisimula ngayon ang "blog" na ito kung saan susubukan ko pong ilagay ang mga pangyayari sa Bayani.com pati na ang mga nagaganap dito sa Pilipinas.
Abangan and susunod na kabanata :)
