www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

Tatlong Maria

I. Pasimula
Tatlong Maria --
Ubod ng ganda
Magkakamukha
Kambal po sila
Si Cora --
Talagang pilya
Masayang kasama
Palaging tumatawa
Si Inday --
Parang patay
Palaging malumbay
Walang kabuhay-buhay
Si Lucy --
Parang pipi
Tahimik kasi
Wala na 'kong masabi

II. Ang Ina
Si Donya Eugenia --
Ina ng mga hija
Mahigpit ang pag-alaga
Sa ating tatlong Maria
Ni hindi itinuro
Hanggang tumanda ang tatlo
Mga bagay sa mundo
..... Bakit kamo?
Aba, ewan ko!

III. Gabi ng kasal
Di tumagal --
Ang tatlo'y sabay kinasal
Pero di yata alam ang i-aasal
Sa gabi ng parangal [?]
Kaya naman.....
Sa kani-kanyang pinto
Ang Donya ay huminto
Upang pakinggan po
At mag-usyoso ng husto
Sa silid ni Cora
Panay ang halakhak
"Kay Inday naman kaya?"
Aba..... puro naman iyak
At kay Lucy --
Ang Donya ay timping-timpi
Bakit walang kahuni-huni?
Ni "hu-hu-hu", ni "hi-hi-hi"
Hmmmmm.....

IV. Kinaumagahan
Intrigang-intriga
Si Donya Eugenia
Sabik na sabik --
"Kumusta ang pagtatalik?"
Unang tanong, kay Cora --
"Bakit ka kagabi tumatawa?"
"Hindi niyo sinabi, mama
Nakakakiliti pala!"
Sumunod si Inday --
"Puro ka iyak. Bakit ka malumbay?"
"Hindi niyo sinabi, nanay
Iyon pala'y..... super aray!"
Si Lucy, sumunod na tinunton --
"Bakit kagabi, walang kaungol-ungol?"
"Di ba sabi niyo inay, mula't sapul:
DON'T TALK WHEN YOUR MOUTH IS FULL!"

Ipinadala ni: Ariel Morales

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.