www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

SENTIMYENTO SA PEBRERO: 'ALA AKONG DATE.

Hay Pebrero na naman! Fresh blooms will soon line up the streets and red will be the theme color of every store you'll pass by. Kahit pa yung tulak-tulak na fishball stand ni Manang sa Rada may heart na, may nakatusok pang stick sa gitna, aray. may sauce pa, nilalangaw na Manang!

Dreaded na naman ang second week ng Feb. Kahit san ako lumingon may ka-partner ang sangkatauhan. Kung makatingin pa sila eh para bang isinumpa ka't dapat pandirihan dahil nag-iisa ka...alang ka holding hands and ka swing-swing the arms while walking. Kulang na lang ay makipag-plastikan ako't lokohin ang sarili kong bumili ng roses para sa ken at ibalandra habang naglalakad sa Ayala sabay ngiti up to the ears. Para lang masabi na "uy, may flowers na sya, how sweet naman ng Papa nya!"

Gusto ko na ngang umabsent ng opisina a-diyes pa lang. Siguradong ang million-dollar question na naman nyan sa reception sa office pagdating mo sa umaga eh "san ang date nyo sa valentine's?" Ewan ko ba't tila napaka-sagrado ng tanong na yan na kapag negatibo ang sagot mo as in "ala akong date" eh pandidilatan ka ng mata with mouth hanging open ng mga meron.

Kung swe-swertehin ka ay tatapikin ka lang nila at sasabihing "darating din yan p're." Kung mamalasin ka nga naman eh hindi ba't tila nag-enroll ng isang semester sa UST seminary ang mga loko at mga frustrated na pari at madre siguro...sesermonan ako ng iba; "p're wala pa?" o kaya "ano ba kasi ang tagal mo namang magka-boyfriend, nakaka-apat na ko ah!" (pinapabilang ko?!) o "lungkot naman" (aray ko) "kelan ka ba? Eh anong gagawin mo sa Valentine's?" (mag-lalaba ng rubber shoes ko). "ano ba kasing hanap mo sa lalaki, baka napakapihikan mo?" (Teka nga kelan ba naging parang isang trabaho ang mga lalaki at dapat hanapin, habul-habulin, follow-up, may interview at exam)

Yung iba naman good samaritan, hihirit ng "gusto mo ihanap kita? I-set-up kita sa kaibigan ng kapatid ng hipag ng pinsan ng pamangkin ko..." o kaya "dun sa bestfriend ng girlfriend ng ex-boyfriend ng ate ng barkada ng inaanak ng Tita ng boyfriend ng kapatid ng bayaw ko..."

Ala akong magawa kundi mapatitig. Anak naman ng sampung kabayong pumuputak na ipinaglihi sa alagang kalapati ni Tarzan na nakatira sa ikapitong bundok ng Cotabato na pinag shootingan ng pelikula ni Pocahontas o!!!

I have absolutely nothing against blind dates except for one undeniably strong personal reason...it's not my stuff. I don't go for that thing. In short, a-y-o-k-o. Okey lang yun actually eh, exciting nga, pero a-y-o-k-o. I'm not comfortable with the idea of sitting down with a smart ass, sophisticated yuppy, wearing a long-sleeve signature polo holding an P18,000 worth cellphone from Finland in front of me, making tete-a-tete over a cup of steaming Starbucks coffee, puffing prettily knowing fully well that both of you should make an effort to like each other. Or have the other like you, magpa-cute at magpa-impress or just be yourself and do your best to make a go at it. Because the one who set you up is expecting to hear a nice story about it in the morning.at kung hindi. baka I-set up ka na naman sa kung sinong Tasyo na kilala ni Tasya na gwapo daw sabi ni Tasye...ah ewan!

Mas gusto ko ata yung accidental meeting or so-natural thing na both of you are just talking, walang pressure. Kasi mas natural na ako ang lumalabas. Ngayon kung ka-hypocritan ang papairalin ko and wouldn't want pity slapped on my face, sasabihin ko na lang na may date kahit wala, pipilitin na lang na makipagdate at tanggapin ang yaya ng isang manliligaw na di ko naman gusto talaga. Ang pangit naman non, unfair don sa guy, wawa naman sya. Ngayon kung di ako nahihiya, downright sasabihin ko plainly and clearly without blinking my eyes "wala akong date dahil wala akong ka-date."

Sa Valentine's ayoko sanang lumabas ng bahay. Kahit masaya ako by being single and available by choice, malulungkot din ako, kahit magpa-strong and unaffected effect kuno ako. Minsan may urge talaga na. alam mo yon, sometimes it gets really lonely. Naturingang araw ng mga puso pero hanggang ngayon kalahati pa rin ang akin...alang ka-partner. wawa naman. Laging muntik-muntikan sasagutin ko na sana kaso something not right comes up, may girlfriend na pala, in love pala sya sa bestfriend nya, may hang-up pa sa ex nya, atheist pala, ex-man, mas bata sa ken, at kung anu-ano pa.

Sarap sanang may ka-embrace sa ilalim ng puno sa UP o kaya sa Intramuros Walls overlooking the distant anchored ships in Manila Bay.

Sarap sana yung somebody would listen about my uneventful day. I want to hold his hands and snuggle close to his chest when a love song plays in the FX's stereo. I want to carry a small umbrella during rainy days para siksikan kami...mas close, sarap sana. I have memorized all the sweet and "oh gosh how heart-melting" lines of romantic movies I've seen. I want to say it to him even if I don't have to stand in the balcony looking down at him while the moon lights our spot.

Sarap sanang mag check-in sa air conditioned room sa Shangri-La, dimly lit lang tapos senting kanta sa background. Nakakumot kayo pareho kasi malamig, e-embrace lang kayo, sweet-nothings, walang sex ha!

Sarap sanang ma-surprise sa valentine's day, may magbibigay sa yo ng love letter or flowers.

Sarap sanang may ma-babatuk-batukan, aasarin, aawayin kung trip, pagseselosin minsan, kurut-kurutin, tatadyakan, at papaamuyin ng medyas.

Yun bang lalaking hinde maarte na matilamsikan lang ng putik ang kotse eh parang sinukluban na ng palda ng isang bading at minimura na ang buong earth!

Yung lalaking hinde mandidiring maglakad sa putik at mag-inarteng lumakad mula yala Ayala hanggang Galleria kung walang masakyan.

One who knows how to sit still and be quiet. Bottom line nyan, sarap sanang makasama ang lalaking really meant for you, as in sya yung nawawala mong kalahati. Suited talaga kayo from the nicest to the worst na trip nyo sa buhay, (ultimo ang pagpahid ng kulangot sa gilid ng keyboard).

Kaso ayan wag daw piliting ma-in love eh. Kung hinde, hinde talaga, wag ipilit just for the sake of falling in love kahit fake. Eh di wag, sabi ng mabait kung bestfriend wag daw eh. Tsaka I'm pining for a lost love, hoping na magkita kami uli. Kung sakali man, di pa sya nagtatanong, sinasagot ko na sya! To hell with Maria Clara.

After valentine's day, ayoko pa ring pumasok. Maririnig ko lang ang mga chikahan nila about their dates. Paka-pathetic siguro ng dating ko sa inyo...pero sorry ka na lang eto ang sentimyento ko...wag mong pakialaman.

This is a free country. Hindi ako bitter, freedom of expression to (lumulusot ata ako!!) Haay, asan na ba kasi ang Romeo ko.

Where art thou oh Romeo, my Romeo? (baka nalaglagan ng eroplano? Naipit ng barko?) Asan ka ba Romeo? Nag-te-Tekken na naman siguro sa kanto. tsk-tsk-tsk.

Padala ni Melodramatic Fool, hindi alam kung sino nagsulat

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.