www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

Mga Sipi na galing sa mga Kilalang Pilipino

Salamat sa pagbisita sa listahang ito. Para magpadala ng inyong natagpuang sipi, pindutin lang ito para magsulat.


Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda. - Jose Rizal
Super Perez <super@bayani.com>
- Monday, August 02, 1999 at 23:08:40 (PDT)
"Hindi ako taksil. Hindi ko dapat sirain ang tiwalang ibinigay sa akin. Higit na malaki ang utang ko sa kaniya kaysa kanilang lahat. Humukay siya ng libingan ukol sa aking ina, pinatay nila ang aking ina. Ano ang pakialam ko sa kanila? Ginawa ko ang lahat ng maari upang maging mabuti at kapakipakinabang. Ginawa ko ang maari upang makalimot ako at makapagpatawad. Tiniis ko ang lahat ng ipataw sa akin at ang tanging hiniling ko'y huwag akong pakialaman. Hindi ako nanggulo kaninuman. Ano ang ginawa sa akin? Pabayaang lumipad sa himpapawid ang kanilang mga sumabog na katawan! Sapat na ang aking pagtitiis!" -Basilio ng El Filibusterismo na akda ni Jose Rizal. :)
Lorenzo <azazsilguildd@yahoo.com>
- Saturday, August 16, 2003 at 23:34:34 (EDT)
tayong mga pilipino ay magkaisa at pangalagaan ang bayan. isang binitawan na salita ni gat jose rizal ay ang "kabataan ang pag-asa ng bayan"
czharina amansec <czha_me2143@yahoo.com>
- Monday, August 11, 2003 at 10:49:21 (EDT)
"Sa aking dugo nananalaytay ang walang kamatayang binhi ng kagitingan"- Carlos P. Romulo
nida Lasig-Octot <zloct@tln.curricula.net>
- Tuesday, August 08, 2000 at 00:06:22 (EDT)
Ang isang pambansang kaluluwa ay hindi maaaring mabuhay sa bayang walang pambansang wika. Hindi tayo kailanman makapagmamalaki bilang isang bansa habang hindi tayo nag-aangkin ng isang wikang ating sarili. Tuwina'y mararamdaman nating tayo'y mababa kaysa ibang sambayanan. -Manuel L. Quezon
Loi Gatchalian Paguia <loiloren@cav.pworld.net.ph>
- Saturday, December 18, 1999 at 22:47:42 (EST)
Labis-labis kong nauunawaang mayroong lalong mabubuting punungkahoy na nakapagdudulot ng lalong mabuting lilim, datapuwat sa gitna ng karimlang naghahari sa aking bayan ay hindi ko hinahanap ang lilim, ang ibig ko'y liwanag. - Dr. Jose P. Rizal
Loi Gatchalian Paguia
- Saturday, December 18, 1999 at 22:43:08 (EST)
Ang makabayang Pilipino ay nagmamahal sa bayan at mataimtim na nagmamalasakit sa lahat ng bagay na kumakatawan sa tunay na Pilipino, sa buong lupain at ang lahat na makikita rito na minana sa ating mga ninuno na muli't muli pa ring isasalin sa mga susunod na lahi... Claro M. Recto
Marlon C. Magtira <mcmagtira@hotmail.com>
- Thursday, September 09, 1999 at 10:03:21 (EDT)
"Kung ako ay matanda na at may uban na sa ulo, at kung sa paglingon ko sa aking nakaraan ay nakita kong wala man lamang pala akong nagawang kabutihan para sa aking bayan, ay aking ikahihiya at ikamamatay." Ang mga katagang ito ang sinabi ni Isagani kay G. Pasta na isa sa mga pangunahing tauhan ng El Filibusterismo na inakda ni Gat. Jose Rizal.
Jesus R. Galang <Jess@abante-tonite.com>
- Monday, September 06, 1999 at 18:31:50 (EDT)
Isang libo man itong buhay kong taglay, aking iaalay, pawang ipapatay, kung ipagpipilitang ang Panginoon ko ay aking talikdan. -Lorenzo Ruiz
Loi G. Paguia
- Friday, September 03, 1999 at 04:04:10 (EDT)
Mamuhay sa isang paraang maaari kang makipagtitigan sa kapwa. (So live that you can look at every man straight in the eye.) -Elpidio Quirino
Loi G. Paguia <loiloren@cav.pworld.net.ph>
- Wednesday, September 01, 1999 at 22:11:05 (EDT)
Naniniwala ako na ang taong kapos sa buhay ay dapat punan sa batas. (I believe that he who has less in life should have more in law.) -Ramon Magsaysay
Loi G. Paguia <loiloren@cav.pworld.net.ph>
- Wednesday, September 01, 1999 at 22:05:04 (EDT)

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.