www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

PAG-IBIG

..........isang damdamin na mahirap dalirutin ng ating kaisipan isa itong nakatagong anyo ng ating puso na bigla na lang lilitaw na kusa sa ating sarili upang bigyan tayo ng kaisipang hanapin ang tunay nating damdamin at pagkatao...

Pag-ibig nga naman...
ano nga ba talaga ito?
Sabi sa bibliya, pag-ibig ay pangkapayapaan...
tsk! tsk! tsk!...

E, kahapon lang may nabasa ako sa diyaryo,
Sabi, "Ng dahil sa pag-ibig... pumatay!!!" Tsk! tsk! tsk!...
Oy! minsan, sabi sa diyaryo: "Ng dahil sa pag-ibig ...pinatay!!!"
Ano ba yan?...O..eto pa ang isa...
"Pag-ibig ang dahilan kaya nagpakamatay!!!"

Pag-ibig...pangkapayapaan...
... dahil maraming papatay, namamatay, at nagpapakamatay
E, pag patay nga naman ang isang tao,
payapa na di ba?

Pero, eto nga ba ang tunay na pag-ibig?
Sabi sa bibliya, "ang tunay na pag-ibig ay
hindi mapag-imbot at di nagseselos.."

Yong kapitbahay namin...binugbog ng asawang lalaki,
dahil pakiramdam ng lalaki,
di na siya mahal ng babae
dahil hindi raw marunong magselos...

Paano ba yan? Umibig ka na nga...
sumunod sa sinasabi ng biblia, e bugbog ka naman..
Gusto mo ba ito? Hindi di ba?
Namputsa...kahit sino'ng tao ayaw mabugbog...masakit yan..
Subukan mong pukpukin ng bato ang ulo mo...
o kaya sampalin mo ng ubod lakas ang mukha mo..
o di ba masaket?...Yon pa kayang ibang tao ang gagawa neto sa yo...

Pag-ibig...corny 'no?
Sabi sa diyaryo..."ginahasa sa tindi ng pagmamahal!!!"
Minsan..."Gumahasa sa tindi ng pag-ibig"
Pero, ewan ko, wala pa akong nabasa na
"Nagpagahasa dahil sa pag-ibig.."

Pero, bakit tayo masaya rito?
Alam na natin ang kahihinatnan nito, pero.. sige pa rin tayo...
alam ng mabubuntis o makakabuntis. .. sige pa rin...
masarap kasi..eheste ...masaya kasi ang feelings...
pero ang tanong handa ka ba?

Ooops!...uuuy! nag-iisip siya....
tama ba ang nasabi ko?...dapat sa pag-ibig..
maging handa ka...

Paano ba ito? ano ba ang ihahanda ko?
magastos yata ito? Pagkain ba?...

Tsk!...'lam mo, manhid ka...
tumingin ka sa paligid mo...ang mga taong in-love daw kuno..
o? ano sa palagay mo ang itsura nila..
para silang baliw di ba?

Kahihiwalay lang .... tatawag agad sa telepono...
then magsasabi ng kung ano-anong kabulastugan...
yun bang tinatawag na "sweet nothings"...
Kung maglakad, akala mo mga talangka...kapitan ng kapitan..

Sa sine... parang mga ibon...tukaan ng tukaan...
himasan ng himasan...kamut dito ...kamot doon...
Yakap dito...yakap doon...

Sa motel?
ewan ko...di pa ako nakakapasok doon...
oo nga! ... peks man...

O! ngayon ...ano ang dapat mong ihanda?
Di mo pa rin alam?
Ay!. ..Put...
tang na loob.....

Ihanda mo ang sarili mo, bulsa mo,
...tanungin mo kung may kakayahan kang gumastos, magpakain,
magpasensiya, maging matulungin, maunawain,
mapaglambing, mapag-alala, mapagtiwala, ng walang takot
at bahid dungis ng malisya, pang-iimbot,
pagnanasa, pagkamasarili, at pagkasakim...

O ...kaya mo?...
kundi mo kaya...
doon ka na lang sa kubeta...
magbatibot......

Hwag kang pikon...prangka lang ako...
...prangkabayo kung tumakbo sa takot sa iyo....

Ipinadala ni: Ma. Remilyna J. Ramos

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.