www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

Pinoy Olympians


UNANG PINOY OLYMPIAN
Ang unang Filipino Olympian ay si David Nepomuceno. Siya mag-isa ang bumuo ng Philippine Athletic Contingent noong 1924 sa Paris. Sumali siya sa 100- at 200-meter track sprints pero hindi siya nakalagpas sa heats.

UNANG PINAY OLYMPIAN
Ang unang mga pinay olympians ay ang mga track runners na si Francisca Sanopal at Manolita Cinco kasama ang mga swimmers na si Gertrudes Lozada at Jocelyn von Giese sa 1956 Melbourne Olympics.

NAWALANG PINOY GOLDS
Ang Pilipinas ay dapat nakatanggap ng kanilang unang dalawang Gintong medalyon noong 1948 sa London kung hindi lang humirit si Kupido. Ang Olympian na si Victoria Manalo ay may Pilipinong tatay at isang nanay na taga Englatera. Siya ay pinanganak at pinalaki sa San Francisco. Pinili pa rin niya ang maging Filipino. Sa edad na 16 anyos, nagustuhan niya ang Diving .... pati na ang kanyang Amerikanong coach, si Lyle Draves. Nagpakasal sila at nang umabot ang 1948 Olympics, siya ay nakilahok bilang isang Amerikano. Nanalo siya sa Springboard at Platform events. Si Victoria Manalo ang unang diver na nanalo ng dalawang ginto sa isang Olympics.


Sinalin galing sa Pinoy Trivia

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.