www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

o kung bakit hindi maililigtas ng singaw sa bumbunan ang mga bibig na hindi dapuan ng anumang kasaganaan
tula ni Elmo Calderon
Andiyan ka
Hinahalikan ng labi mo
Ang kutsara na inuupuan ng
Sanlibo't-isang sustansiya.

Andito ako
Kinakagat ang kuko
Ko na pinagbabahayan ng
Libag at alikabok.

Salita ka nang salita.
Gutom ako't namimilipit sa aking upuan,
At hindi kayang iligtas ng
Salita lamang
Ang kawalan sa aking tiyan.

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.