www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

Lapis

Lapis kay daling burahin
Animong bakat man ay wala,
Lapis kay daling limutin
Pagka't akala mo'y wala sa paningin.

Lapis kay kay daling baguhin
Sa isang iglap ang dati'y maglalaho
Sa pag-alis, sa pagpalit,
Di katiyakan kung mas tama o mali.

Lapis kay daling mawala
Lapis kay daling masira
Lapis kay daling limutin
Lapis ba ako sa iyong damdamin?

Ginawa at ipinadala ni: Charity B.F. Santos

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.