www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

ako ay kanyang iniwan....

hindi ako makatayo. wari'y nadaanan ako ng pison. namumuo ang butil ng luha sa aking mga mata. hindi ko namalayan ang paligid ko. ako na lang ang natitirang nakaupo sa park. kanina dalawa kami. magkadikit ang aming katawan.

parang kailan lang. ahhh kay bilis lumipas ng panahon. ngayon ko lang nalaman ang matagal nang alam ng lahat...masakit ang iwan ka ng isang minamahal!

naaalala ko pa noong ako ay mahal na mahal pa niya...limang beses sa isang araw kung siya ay tumawag. kadalasan naman walang katuturan ang aming pag-uusap. ngunit punumpuno iyon ng pagmamahal at kaligayahan. ako ay kilig na kilig. lagi akong nakangiti. binabati ko ang kahit na sino. lagi akong masaya. at sa aking pag-iisa iniisip ko ang lahat ng kanyang sinabi sa akin. inuulit ulit ko sa aking isipan ang " i love you" na lagi niyang sinasabi bago niya ibaba ang telepono.

dahil sa kulang na kulang kami sa panahon. sabi sa akin ni beep magpakabit na ako ng internet para kahit kami ay parehong nasa trabaho makakapag-usap kami ng walang sagabal. ilang buwan ko ring kinulit ang aking nanay na makakabuti ang may internet para sa pag-aaral ng aking mga nakababatang kapatid. ngunit sila ay pawang nasa elementarya lamang. at ang principal lamang ang merong computer sapagkat mahirap lamang ang paaralan. datapwat kulit pa rin ako ng kulit kay inay. lagi kong tinatanong kung magkano na ang kanyang ipon. tuwing suweldo ako ay nagbibigay din kay inay ng isang libo para ako ay makatulong sa mga pangangailangan sa bahay. binubulong ko kay inay na kalahati nun ay mapunta sa pag iimpok ko para sa pagbili ng computer. siguro nabanas na si inay sa pangungulit ko, siya ay nakinig sa aking mungkahing bumili. noong ako'y umuwi isang araw, malayo pa ako sa bahay ay naririnig ko na ang ingay ng mga kapatid ko. " ate, ate, may computer na tayo!"

feeling ko ay nanalo ako sa lotto! agad akong nagpakabit ng internet. mula noon ako at si beep ay laging nag-uusap sa isang chatroom sa tok siti. halos gabi gabi ang aming tagpuan. kung minsan inaabot kami ng madaling araw sa pag-uusap. kung anu-ano na lang ang aming kwento sa isa't isa. at parati ring may (((((((muah)))))at (((((hugs))))) siya para sa akin.

mahal na mahal ko si beep. ramdam ko mahal na mahal din niya ako. ngunit isang araw, pansin ko si beep ay hindi na madalas magchat. siya ay hindi na rin madalas tumawag sa telepono. hindi ko masyadong binigyan ng pansin ang kanyang pagbabago. tinanong ko siyang minsan.."beep, mahal...bakit ba bihira na tayong magkita? bakit hindi ka na palakwento at masayahin sa mga pag-uusap natin?" sabi naman niya sa akin " conching, busy ako sa trabaho...pagod na pagod ako tuwing ako ay dumarating ng bahay...maraming suliranin sa trabaho.." dahil sa mahal ko siya, hindi ko inisip na baka wala na siyang pagtingin sa akin. patuloy pa rin akong nagmahal sa kanya. hindi ako ni minsan nagkimkim ng hinanakit sa kanya. umasa ako na babalik din ang dati. magiging masigla uli ang aming pagsasama. ngunit lumipas ang maraming araw...hindi ko na narinig ang ring ng telepono...nabagoong ako sa kahihintay sa chatroom para kay beep ko. hindi siya dumating. balde balde ang aking iniluha. miss na miss ko siyang talaga!

datirati pagkagising ko pa lang agad akong magcheck ng email. sabik na sabik ako kung anong bagong padalang email ni beep. sa pagkakataon na ito nakasaad na 0 new email. para akong lantang gulay. nawalan ako ng lakas. nagdial ako ng telepono nila sa bahay. sabi ng nakasagot na katulong " sabi ni kuya wala daw siya". tawag ako sunod sa cell phone niya switched off naman. dati nagring pa ito. naisip ko na nakilala ang tel no sa bahay ni beep nung nakita niya ang caller id at agad niyang ni switch off iyon. may paraan pa. hindi ko naisip na padaig na lamang. tawag ako sa pager. naka ilang ulit na ako wala man lang tawag galing kay beep. ang sabi ko pa " beep, pls call. miss na miss na kita. iyak ako ng iyak hanggang sa abutan na ako ng umaga. hindi ako makatulog. hindi rin makakain. napapansin na ako sa trabaho na laging malayo ang isip." nag email din ako ng mahabang liham. sabi ko sa liham ko. "mahal kong beep, kumusta ka na? ako ay lungkot na lungkot sapagkat hindi na kita nakikita. may sakit ka ba? marahil ikaw ay may problema. beep, kahit na anuman ang problema mo, kaya kitang tulungan. sabihin mo lang sa akin kung anuman iyon. hinding hindi kita pababayaan dahil mahal na mahal kita. puwede ka bang tumawag sa akin? kahit man lang sandali. sana mag email ka man lang kahit na maikli. huwag mong tulutan na ako ay manatili sa pag-iisip na ito. feeling ko maloloka na ako sa kaiisip. please naman beep. please!!! maawa ka sa akin. huwag mo akong iiwan."

makalipas ang tatlong araw, si beep ay tumawag sa telepono. sabi niya sa akin " conching kita tayo sa park bukas ng hapon. may importante akong sasabihin sa iyo".

dumating ang hapon na iyon at ako ay nandito na sa park. nakaupo. kanina lang ako at si beep ay nagkita. magkatabi kaming naupo sa bench na ito. ako ang nauna. nung nakita ko si beep na lumalakad palapit sa akin, damang dama ko ang pagmamahal ko para sa kanya. gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. "beep! ang saya ko at kapiling kita". sabay yakap ako at kiss ko siya sa pisngi. ang bango bango ng beep ko. amoy coolwater siya. ang buhok niya amoy naman pantene. ang guwapo guwapo ni beep talaga. ang bango bango. wala nang hihigit pa sa kanya. siya ang lahat lahat sa buhay ko.

"conching...makinig kang mabuti sa akin. mahal kita ngunit hindi sapat ang pagmamahal na iyon para ako ay lumigaya. hindi ako masaya sa iyo conching. may minamahal na akong iba. salamat sa pagmamahal mo. salamat sa maraming bagay. patawarin mo ang mga pagkukulang ko sa iyo.."

hindi ako makakibo. sa sandaling iyon ipinagkakaila ko ang katotohanan. batid ko man kung anong totoo ay hindi ko kinikilala. iniisip ko ang nakalipas. ahhh mabubuhay ako kahit na ang pag ibig na iyon ay lipas na. hindi ko maatim na talikuran na lamang ang pag iibigan namin ni beep. kung kinakailangan ako ay mabuhay sa nakalipas siyang gagawin ko." hindi ko sukat akalain......

tandang tanda ko pa iyong unang halik ni beep sa akin. first date namin iyon. bagama't sabi ng mga matatanda huwag pahahalik sa first date ako ay hindi nakinig. bago ako nagpunta sa tagpuan namin tatlong beses akong nagsipilyo. nag floss pa nga ako. dumaan pa ako sa supermarket para bumili ng mints. handang handa ako sa unang pagkikita namin ni beep. inaasahan kong kami ay maghahalikan.

ang sarap ni beep magmahal. siya ay malambing na malambing. pinadama niya sa akin na ako ang pinakaimportanteng tao sa mundo. na ako ang pinakamamahal niya sa lahat. ang lambot lambot ng kanyang mga kamay. lagi niyang pinipisil pisil ang aking kamay. ang lips niya ay pulampula. siya ay napakagandang lalaki. kahit na sinong babae ay madadapa sa kanya.

basang basa ang aking pisngi. patuloy ang daloy ng luha. pumapatak na parang ulan. hindi matigil tigil. malamig na ang simoy ng hangin. ako ay nag-iisa. iniwan na ako ni beep. iniwan niya na ako!!!

Ginawa at ipinadala ni: Conchitina

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.