www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

Hinagpis ng LUPA
nina Mary Jane P. Tadili at Marlon C. Magtira

Ang mga bundok ay kalbo na
Wala na ang mapang-akit na ganda
At nagkabitak-bitak pa
Dahil sa hinahanap mong mina

Tubig ng dagat ay umitim
Mga isda'y nalason na rin
Di na puwedeng pasyalan at languyin
Dahil sa takot na sila'y ketongin

Ipataw mo sa iyong konsensiya
Ang mga tanawing kahali-halina
Na nakapagpapaalis ng pagod at kaba
Sa mga katulad kong nawawalan na ng pag-asa

Tubig sa ilog ay di na umaagos
Di na malasap ang lamig ng talon,
Namatay, natuyo, naglaho sa panahon
Dahil sa kemikal na iyong itinapon

Ang mga malalawak na bukirin
Naglahong bigla, malagintong butil ay di na makita
Pinalitan ng mga sementadong gusali at damba
Naging kawawang manggagawa ang dakilang magsasaka

Langit na maaliwalas sa umaga
Nadiliman at halos di ako makakita
Animo'y gabing nawalan ng mga tala
Dahil sa usok na buga ng makina

Maruming paligid 'di mo ba napansin?
At patuloy ka pa rin sa masama mong gawain?
Anong silbi ng sinasabi mong pag-unlad
Kung ang lahat ng ito'y iyong sisirain?

Magdadapit-hapon na at lulubog ang araw
Kung 'di ka titigil, malapit na akong pumanaw
Bukas sana'y magliwanag at magpatuloy ang buhay
Makita ko sana ang pagmamahal mong tunay...

Walang Kopyahan
�2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.