www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

Dahil Sa Iyo

Alam mo ba kung ano
   ang nararamdaman ko
    kapag kasama kita?
Pakiramdam ko buo ako,
    walang kulang,
    kumpleto.
Dati kasi hungkag ang buhay ko,
    walang laman,
    walang direksiyon,
    walang patutunguhan.
Pero mula nang makita
    at makasama kita,
    marami ang nagbago sa akin.
At alam mo ba kung ano
    ang pinakaimportante
    sa mga pagbabagong ito?
Nagkaroon ng dahilan ang buhay ko.
Para bang ang bawat hinga ko,
    ang bawat galaw,
    ang bawat salita,
    ang bawat isip,
    ay may pinaglalaanan.
Ikaw 'yon.
Hindi ko nga maintindihan eh.
Dati naman hindi ganito kasaya
    at kapanatag ang aking kalooban.
Dati suplado ako,
    walang pakialam sa mundo.
Nabubuhay lang ako noon
    para sa aking sarili.
Pero hindi ako masaya.
Hanggang sa magsawa na ako.
Para bang ayaw ko nang magpatuloy.
Mabuti na lang dumating ka.
Kung hindi, tigok na sana ako.
Huwag ka nang umalis ha?
Please?

Ginawa at ipinadala ni: Tra Aibar

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.