|
|
Ang Chicharon at Instant Noodles
Lumaki akong mahapdi ang sikmura
Dahil sa kakulangan ng makakain sa twina
Naaalala ko pa noon, Si inay ay nakikibaka
Upang araw-araw kami ay sumagana
Ngunit kay pait talaga ng mundo
Ang mga mahihirap ay lalong naliliyo
Dahil ang bilihin parang rocket sa presyo
Kapag ang langis ay nagtaas kasabay nito ay malaking sakripisyo
Dahil sa epekto ng ekonomiya
Mahirap makabili ng pagkaing manok karne at de lata
Una naming binibili ay ang bigas sa twina
Hinuhuli ang ulam na masustansya
Naaalala ko, pag dukot ko sa bulsa ko
Merong bayaning flat top ang gupit dito
Iniisip ko kung ano ang mabibili nito?
Na ang kasagutan ay chicharon at instant noodles sa kanto
Tama na sa amin na chicharon ay ulamin
At ang instant noodles ay sabaw sa kanin
Tuwang tuwa na ang mga kapatid ko at pamangkin
Sa ulam na namulatan dito sa mundong kay sakim
-Super Pedro
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|