www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

bato...

wala na naman akong magawa
tapos na yong trabaho ko kanina pa
heto't nakatunganga naman ako
naghihintay ng bagong milagro.

kaunti na lang at bibigay na rin
ang katinuan ng aking huwisyo
araw-araw na lang kasing
ganito ang drama ko.

sawa na akong magtampisaw
sa ipinagbabawal na internet
wala na akong matinong maka-chat
pagod na rin ako sa pagpapanggap.

sinusubukan kong isubsob ang ulo ko
sa aking mga teknikal na libro
ngunit anong pilit mang gawin
ay ayaw pumasok sa kukote ko.

ayan tuloy, mabigat na naman
ang talukap ng aking mga mata
ngunit ibig ko mang umidlip
takot akong may makakita.

kailan ba ako makakaalpas
sa hawlang aking kinalalagyan?
nais ko nang lumaya
at lumipad ng mataas na mataas.

Ginawa at ipinadala ni: Tra Aibar

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.