www.Bayani.com title
Ating Bahay Kubo sa Internet

MGA KUWARTO
Simula
Kuta
E-Card
Aklatan
Patawa
Balitaan
Kuwento
Mga Bayani
Mga Grupo
Mga Larawan
Talaan (Guestbook)
Sumulat sa amin
Tungkol Sa Amin
 
 

 

Ano ba ang Pinoy Action Movie?

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga bata".

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

Lagi ding may eksena sa isang beer house.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril ... mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang ... hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis ... at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!

Atbp......................................

Galing sa email na ipindadala ni: Carol Tongco

Walang Kopyahan
2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.