|
|
WALANG LUSOT
Si Trixie ay seloso at palaging tsine - check ang kanyang babaerong mister tuwing uuwing galing ng opisina. Isang araw galing sa klub si mister...
TRIXIE: Ano ka ba naman tingnan mo itong polo mo may buhok na kulay blonde, siguro Americana ang ka-table mo ano.. Hudas!!!
MISTER: Hindi kumain lang ako ng mais at nadikit yung buhok (palusot lang)
Kinabukasan....
TRIXIE: Ano ba naman kahapon blonde ngayon kulot naman... walanghiya ka talaga..
MISTER: (palusot uli) hindi nadikit lang nanghiram lang ako ng suklay sa kumare mong kulot sa opisina kanina. ( lusot ulit )
Kinabukasan talagang sobrang pagiingat ang ginawa ni lalaki upang hindi na mabisto, pinagpag muna niya ang damit bago umuwi...
TRIXIE: Walanghiya ka talaga pati kalbo pinapatulan mo na ngayon!!
Galing sa email na ipinadala ni: Erwin Zurcarer
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|