|
|
U.H.A.W.
== UHAW (Union of Husbands Afraid of Wives) ==
When you say: "Ako ang tigas sa amin."
You really mean: "Ako ang tigas-saing ng kanin at tigas-sundo sa eskuwela ng mga bata."
When you say: "Gagawin ko kahit ayaw ng misis ko."
You really mean: "Gagawin kong maghugas ng pinggan kung ayaw niya, gagawin kong maglaba kung ayaw niya."
When you say: "Kapag ako napuno, magyayaya ako ng hiwalay!"
You really mean: "Hiwalay ang puti sa de-kolor at baka kumupas ang labada."
When you say: "Lahat ng utos ko ay pasigaw."
You really mean: "Hoy bilisan mo naman iyang kape at giniginaw na ako dito sa labahan!"
When you say: "Ako ang laging nasusunod!"
You really mean: "Oo, dear susunod na ako sa iyo sa simbahan."
When you say: "Nakukuha ko siya sa isang salita!"
You really mean: "Honey, huwag mo na akong batukan at masakit!"
When you say: "Inaabot siya sa akin ng mura!"
You really mean: "'Ling naman, mura lang naman yung sapatos na bibilhin ko!"
When you say: "Nakukuha ko siya sa isang tingin!"
You really mean: "Hon, patingin naman ng periodiko pagkatapos mong
basahin."
When you say: "Kaya ko siyang paluhurin!"
You really mean: "Hinabol ako ng walis at nagtago ako sa ilalim ng kama
namin. Paluhod niyang sinabing 'Hoy lumabas ka riyan at tatamaan ka sa akin!'"
When you say: "Hindi niya ako kayang paglabahin!"
You really mean: "Hindi puede kasi hindi pa ako tapos mamalantsa."
Galing sa email na ipindadala ni: Roy Concepcion. Hindi alam ang may akda.
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|