|
|
Tawag
Noong unang panahon may tatlong magkakaibigan na nagpunta sa
kabundukan ng Mt. Makiling upang mag-hunting. Isang
tiga-Maynila, isang tiga-Ilokos at isang tiga-Batangas.
Sa paghahanap nila ng mababaril na usa at baboy-damo
napasuot sila sa isang tribo ng mga katutubo. Sila ay hinuli
at iniharap sa pinaka-hari ng tribo.
Hinatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot ng
kanilang ulo kung hindi masisiyahan sa kanilang mga sagot
sa anumang itatanong ng anak na prinsesa ng hari.
Unang tinanong ang Manila boy:
Princesa : "Anong tawag mo rito? sabay turo sa pisngi ng
princesa.
Manila Boy : "Mahal na princesa ang tawag po namin diyan ay
'Pisngi'".
Hindi nasiyahan ang princesa kaya pinugutan ng ulo si Manila
Boy.
Sumunod na tinanong ang Ilokano...
Princesa : "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito? sabay turo sa
mukha.
Ilokano : "Mukha" po mahal na princesa ang tawag po namin
diyan".
Hindi rin nasiyahan ang princesa. Pugot ulo rin si Ilokano.
Takot na takot na si Batanguenio pero sumagot siya nang
tanungin ng Princesa :
Princesa : "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito?"
Sagot : "Ang tawag po namin diyan sa Batangas mahal na
Princesa ay "dambana ng tuwa, galak at pag-galang".
Princesa : "ipaliwanag mo ang iyong kasagutan, ginoo".
Sagot : "Kasi sa amin po pag kami ay natuwa, nagalak o kaya
ay gumalang, kami po ay humahalik diyan".
Princesa : sabay turo sa dibdib/suso "anong tawag mo rito?"
Sagot : "Mahal na princesa, tawag po namin diyan ay "bukal
ng buhay at kalusugan, kasi diyan po umiinom ang mga bata
upang mabuhay at maging malusog".
Princesa : sabay turo sa bandang sikmura/tiyan, "anong tawag
mo rito?"
Sagot : "bartolina po, kasi siyam na buwan nakukulong ang
aming mga anak diyan"
Princesa : anong tawag mo rito? sabay taas ng palda at
itinuro ang ari na walang suot na panty (hindi pa uso noon).
Sagot : sabay luhod at nag-antada ng krus, mahal na
princesa, tawag po namin diyan ay "ALTAR NG DALANGINAN" kasi
diyan po namin itinitirik ang aming mga kandila!
Galing sa email na ipinadala ni: Melodramatic fool
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|