|
|
Takas
Sa isang balita sa radyo...
titititititititititittitititititititittiti (sound effects ng telegraph
machine)
At ngayon sa mga nagbabagang balita!
Isang babae nahulog sa bangin, patay!
Isang lalaki nasagasaan ng tren, patay!
Isang bata uminom ng lason, patay
Isang prinsesa nakaupo sa tasa, kasoy!
tititititititititititititititititititititititi
Isang lalaki ang nasabing nakitang lumalangoy sa Cavite ang nadisgrasya.
Ayon sa balita habang nag-eenjoy sa kanila beach party, ang lalaki ay
nagdesisyon na lumangoy nang may namataan siyang pating. Dumating ang
pating at kinagat ang kanyang...
tititititititititititititititititititititititititi
Binabalaan ang mga tao sa apat na lalaking nabalitaan na tumakas sa
National Center for Mental Health o ang mas kilala na Mental Hospital.
Ayon sa balita sila daw ay nagpapanggap na mga batikang artista. Ang isa
ay nagpapanggap na siya ay si Brad Pitt, ang isa naman si Keanu Reeves
at ang isa naman ay nagpapanggap na siya ay si Chris O'Donnel.
Ang mga biktima ng mga may sayad sa utak ay hinahalay. Kung sino man po
ang may alam sa kanilang kinarorooan ay ipagbigay lamang po sa mga
pulis.
Ito po ang inyong lingkod, Kevin Costner naguulat!
Galing sa email na ipinadala ni: Bobbie
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|