|
|
RETURN TO SENDER
Hindi niya akalain na mangyayari sa
kanya iyon. Wala pang tatlong buwan
silang magkatipan ng kanyang nobya na
nasa Maynila at doon nagtatrabaho ay
pinalitan na siya.
Isang araw, nakatanggap siya ng sulat
mula sa kanyang nobya. Tapos na raw ang
lahat sa kanila at binabawi na nito ang
litrato na ibinigay sa kanya. Sinabi rin
nitong ipadala ang litrato sa madaling
panahon by return mail. Binigyan pa siya
ng selyo.
Nag-isip ng mabuti ang lalaki kung ano
ang kanyang gagawin sa masakit na kapalarang
sinapit mula sa nobya. Nanghiram siya ng
litrato ng iba't-ibang babae mula sa mga
kaibigan, inilagay ito sa kahon at sinamahan
ng isang sulat na nagsasabing: "Hindi ko
matandaan ang itsura mo. Piliin mo na lang
sa mga litratong nandito kung sino ka. Paki-
balik na lamang ang iba."
Ipinadala ni: Maria Cristina Falls
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|