Itong si Joaquin, bata pa lang ay meron nang obsession sa
kotse. Nagsimula ito noong regaluhan siya ng tatay nya ng
Matchbox na racing car. Gustung-gusto nya yung regalo at
halos oras-oras ay nilalaro nya ito. Sa kanyang paglalaro
pinangarap nya na kapag lumaki sya, bibilhin nya ang
pinaka-magarang kotse, katulad ng laruan nya.
Pumasok si Joaquin sa Elementary. Siya ay napakatalino.
Nagto-top sya parati sa klase. Consistent sya sa pag-aaral.
Valedictorian siya nung graduation. Sa kanyang isipan,
ginagawa nya ito hindi para sa kanyang mga magulang, kundi
para sa kanya na balang araw, mabibili nya yung gusto nyang
kotse.
Matapos ang Elementary, pumasok sya sa High School. Tulad ng
dati, siya ay palaging Honor Student. Napakagaling nya sa
klase. Isa lang ang motivation nya. Ang makabili ng gusto
nyang kotse.
Sa college, ganun din. Kasama sya parati sa Dean's List.
Halos tangurian siyang genius. Marami ang humahanga sa
kanya. Simula first year hanggang graduation, wala siyang
mababang grade. Sa kanyang pagsusumikap, parati nyang
naiisip ang kanyang pangarap na makabili ng kotse. Dahil
dito, very inspired sya.
Nakatapos si Joaquin ng pag-aaral. Madali siyang nakakuha ng
trabaho. Ang trabaho na pinili nya yung merong car
incentive. Ginalingan nyang magtrabaho para ma-qualify sa
incentive. At dahil sa kanyang mga merits, nakuha nya ito.
Birthday niya nung matanggap niya ang kotse. Honda Civic,
kahawig ng laruan niya nung bata pa sya. Very excited sya.
Pinandar niya ito kaagad. Nilibot niya yung Metro Manila.
Maghapon siyang drive ng drive. Nakalabas siya ng Metro
Manila ng hindi niya namamalayan. Drive pa rin siya ng
drive. Hanggang dis-oras na ng gabi, drive pa rin siya ng
drive. Tuwang-tuwa siya. Sa wakas natupad din ang pangarap
nya.
Hating-gabi na ng namalayan niya na hindi na niya alam kung
nasaan siya. Masyado ng madilim ang paligid at rough road na
ang dinadaanan nya. Naliligaw na siya.
Dahan-dahan na lang siyang nagmamaneho nang pigilin siya ng
limang lasing na lalaki.
"Pare, naliligaw ito. Wow, bagong kotse." sabi ng isa.
"Baba... baba..." pasigaw na inutusan si Joaquin.
Bumaba si Joaquin ng takot na takot.
"Gulpihin natin 'to, mga pare." sabi ng isa.
"Huwag, pag-tripan natin." sabi naman ng isa sa lasing.
Takot na takot si Joaquin. Hindi malaman kung ano kanyang
gagawin.
"Natataranta pare. Anong gagawin natin dito?" patawang sabi
ng isa.
"Alam ko na, halika dito." nakangising sabi ng isa kay
Joaquin sabay guhit ng pabilog sa baku-bakung kalsada.
"Tumayo ka sa bilog na yan at huwag kang lalabas. Kung
hindi, papatayin ka namin." sabay tawa.
Tumayo si Joaquin sa ginuhit na bilog. Takot na takot na
nakatingin sa mga lasing.
Nagtawanan ang mga lasing sabay basag sa side mirror ng
bagong Honda. Tiningnan nila ang reaction ni Joaquin.
Nagulat sila ng makitang nakangiti ito.
Binasag nila ang windshield at binutas ang gulong. Tiningnan
nila si uli Joaquin. Nagulat uli sila ng makitang nakangiti
pa rin ito at pinipigilan ang tawa.
Nagalit ang mga lasing. Pinag-papalo at pinag-sisipa nila
yung Civic. Tiningnan nila uli si Joaquin. Ngayon, hindi
lang nakangiti si Joaquin, tumatawa pa, tawa ng tawa.
Ang ginawa ng mga lasing, sinunog ang kotse. Pagkatapos,
tiningnan nila si Joaquin. Laking gulat at pag-tataka, tawa
ng tawa si Joaquin. Halos ma-iyak na ito sa kakatawa.
Lumapit ang mga lasing kay Joaquin at nag-tatakang
nagtanong: "Sinisira na namin yung kotse mo, bakit tawa ka
pa rin ng tawa?"