|
|
Matanda ka na ...
- kung ayaw mo nang sumama sa mga bata.
- kung ang lahat ng kasu-kasuhan mo ay tila masakit.
- kung ano ang hindi masakit ay ayaw ng gumalaw.
- kung alas-kuwatro pa lamang ng umaga ay gising ka
na.
- kung ang tinitingnan mo sa pagkain ay ingredients.
- kung binibilang mo ang calories o fats ng iyong
pagkain.
- kung tumatanda na ang mga anak mo.
- kung nag-enroll ka sa fitness gym, pero hindi
naman nagpupunta.
- kung nakakalimutan mo ang susi mo sa kotse o sa
loob ng bahay.
- kung alam na alam mo naman ang lahat subalit
walang nagtatanong
saiyo.
- kung pinapatay mo ang ilaw hindi dahil sa ikaw ay
malambing kundi
dahil
nagtitipid ka ng kuryente.
- kung nagliliwanag na ang iyong bumbunan.
- kung ayaw mong maniwalang may guhit na ang noo mo.
- kung ang kati-kati ng likod mo subalit hindi mo
makamot dahil
hindimo
maabot.
- kung sa pagyuko mo ay lumalagutok ang iyong likod.
- kung ipinauulit mo ang pangalan ng bago mong
kaibigan.
- kung hindi mo na pinaghahandaan ang susunod mong
kaarawan.
- kung inaaway ka ng asawa mo sa araw ng kanyang
kaarawan.
- kung nakalimutan mo na ang anibersaryo ninyo ng
asawa mo.
- kung nakakalimutan mong i-flush ang banyo
pagkatapos mong gamitin.
- kung nakakalimutan mong itaas muli ang iyong
zipper pagkatapos mong
gamitin ang banyo.
- kung ang paborito mong bisita ay ang iyong duktor.
- kung ang pinakaayaw mong bisita ay ang health
insurance company.
- kung natutuwa kang magbasa ng legend stories o
nanonood ng history
channel.
- kung ang paborito mo pa ring artista ay laos na.
- kung ang kaparis ng iyong medyas ay kulay pula.
- kung may salamin ka na ay hindi pa rin makakita.
- kung nakakalimutan mo na ang birthday ng iyong
biyenan.
- kung si Jaworski pa rin ang paborito mong
basketbolista.
- kung naiinip ka na sa harapan ng stop lights.
- kung dumidikit ang iyong ngipin sa malagkit mong
pagkain.
- kung sa pagdarasal mo ay nauuna ang Amen sa Ama
Namin.
Galing sa email na ipinadala ni:
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|