Narinig o napakinggan ko ang joke na ito way back in early 80's sa
fiesta sa isang fishing community (palaisdaan) sa Bulacan. A group of local
entertainers from Manila were invited to perform. But nowadays, the
comedians & pork-chop duo had volumes of voice tape where you
can buy at some Filipino store. I just can't remember what volume
that this joke is included, I don't remember the
actual words for word-- some I made them up, but the thought of the joke is
still there.
A: Pare ang sasarap ng mga sea foods na inihanda sa atin, alimango, hipon,
sugpo. Sa isang taon kahit hindi ako bayaran sasama uli ako sa grupo na ito
para makakain uli ako ng sariwang seafoods.
B: Ako, iyong mga shells ang binanatan ko. Naku, sobra ang busog ko. O sya,
bumati muna tayo bago tayo magsimula at nang makapagbigay galang.
A: Ako nalang ang babati para sa ating dalawa. Alam mo naman magaling ako
diyan keysa sa iyo. Eto na, "Magandang gabi po sa inyong lahat."
B: Teka, teka, teka, sino bang binabati mo?
A: Silang lahat.
B: Oras na tumayo ka dito sa entablado, alam na ng mga taong kaharap mo na
sila ay binabati, hindi iyong nasa kabilang baryo.
A: Anong gagawin ko?
B: Alisin mo ang "sa inyong lahat". Isipin pa ng mga tao,
kayang kaya mong gawin tanga ang mga tao dito sa palaisdaan.
A: O sige, babati na ako, "Magandang gabi po."
B: Sandali, sandali...
A: Ano na naman ang mali sa pagbati ko?
B: Walang mali, pero ilagay mo lang sa lugar ang pag-galang. Tama at
nararapat ang mamu-po ka sa mga may idad, pero hindi sa mga bata.
A: Anong gusto mong gawin ko?
B: Alisin mo ang salitang "po". Baka sabihin pa ng mga bata,
iniinsulto mo sila. Baka tiradorin tayo.
A: O sige, alisin kung alisin. "Magandang gabi."
B: Sigurado ka bang gabi ngayon?
A: OO, kaya binabati ko sila ng "Magandang gabi".
B: Sila rin alam nilang gabi ngayon, hindi araw. Kung araw ngayon,
nangingisda ang mga iyan. Walang manonood sa atin.
A: Ano na naman ang gusto mong gawin ko?
B: Alisin mo ang "gabi". Isipin pa ng mga tao ginagawa mo
silang ulyanin.
A: Di, tanggalin kung tanggalin. Babati na ako, "Maganda."
B: Sino ba ang binabati mo?
A: Sila-sila na magaganda.
B: E, paano iyong mga pangit? Kung ayaw mong mabogbog at magulpi dito ay
ayusin mo ang pagbati mo.
A: Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?
B: Alisin mo ang "maganda", baka i-charge pa tayo ng
discrimination dito. Alalahanin mo na iyang mga papangit na nakikita mo ay
mga damdamin na marunong masaktan.