|
|
Mga Lugar in a Sentence
PILIPINAS
A: Hoy, maligo ka naman, puro hilamos ka na lang araw araw.
B: Aba, buti nga naghihilamos ng buong katawan, si PILIPI NASpu naspu nga lang ng mukha e.
TENNESSEE
A: Ang lalaki na pala ng mga anak ni Mang Gorio ano?, mataas pa sa kanya o.
B: Napakabilis nilang tumanda ano, eight years old na si Bobby, tapos TENNESSEE Cora.
QUIAPO
A: Lalabas ka na naman, huwag kang aalis ng walang sapin ang paa.
B: Opo Lola, ano ang gusto niyong isuot ko, sapatos po ba, o baQUIAPO?
MEYCAUYAN
A: Ok itong drawing na ito ah, ikaw ba ang may gawa nito?
B: Inay naman, alam mo namang putol ang mga kamay ko eh, si Romy ang MEYCAUYAN.
PENNSYLVANIA
A: Oops, may nakaiwan ng lapis dito, baka naiwan ito ni Rudy ah.
B: Jojo, pakitanong mo nga kung PENNSYLVANIA ito o hindi?
MIAMI
A: Hi Baby, babay na, papasok na ako, susunod ka lagi sa Yaya mong tipo ni Itay ha?
B: Inay, pag ikaw uwi na, guto to yoyipop, at taka tokoleyt, at taka MIAMI yayuan.
PALAWAN
A: Pasensiya ka na sa ginawa ni Entong ha, akala ko gulong lang ang ninakaw sa iyo eh.
B: OO gulong lang, kaso mo kasama yung buong kotse, si Entong PALAWANted sa pulis.
MINDANAO
A: Pinadalhan ako ni Isagani ng plane ticket para daw pumasyal ako sa Amerika.
B: Mabuti naman at MINDANAO ng utang na loob sa iyo ang anak mo.
KENTUCKY
A: Ok ba itong bago kong soot na damit? Divisoria's Secret yan.
B: Masyado yatang maluwang ang blusa, aba eh KENTUCKYlikili mo na ah.
ALABANG
A: Kumareng Gloria, pasensiyahan mo na itong nadala kong ulam para kay Boy.
B: Naku si Mare nag-abala pa nang husto, este, Mare ALABANG kasamang sawsawan ito?
BICOL
A: Pambihira ka, sabi mo siguradong panalo na tayo, ayan pati kaluluwa ko nakasangla na.
B; Masama pare ang masyadong mainitin ang ulo, relax ka lang pare, BICOL.
ALABAMA
A: Mom, sirit na ho kami, talagang hindi ho namin alam kung bakit Erap ang pangalan niya.
B: Napakadali lang ng tanong ko sa inyo ah, ALABAMAkakasagot sa inyo nito?
MEMPHIS
A: Sobra ka na ha, porke natalo ang anak mo e kung ano-ano na ang sinasabi mo.
B: Para nabiro ka lang na pango ang ilong ng anak mo eh, masyado ka namang MEMPHIS.
ALASKA
A: Pare pakitingin nga ng baraha ko kung may laban ito.
B: Siguradong panalo ka na kasi apat na ALASKA sa kamay eh.
LA LOMA
A: Wow!, bilib na ako sa kotse ng utol mo, nakakaingit.
B: Ano pare, LA LOMA ka sa ganda ng tsekot niya ano?
MINDORO
A: Pare, paano tayo papasok diyan?
B: Ang tanga-tanga mo naman eh, ayan MINDORO.
POLYNESIA
A: Hey Precy, is it true that Paul is still hiding in Europe?
B: Well, the cops cannot find him in Europe, however, they found POLYNESIA.
ISTANBUL
A: Tisoy, hindi ba paborito mo si Ringo Starr?, ano sa Tagalog ang "Drum"?
B: The Tagalog word for Drum ISTANBUL.
MISSISSIPPI
A: Hoy Normita ano ka ba?, bilis-bilisan mo naman at mahuhuli na tayo sa date natin.
B: Sandali lang Aida, atog na atog ka naman eh, MISSISSIPPIlyo lang po ako ano.
SANTOLAN
A: Sige na Bayani tumula ka pa, nagustuhan nila eh, sige na naman.
B: O sige, basta SANTOLANa lang ha?.
VALENZUELA
A: Aling Belen, bakit naman ho ang bagal bagal ninyong maglakad.
B: Damontres na ito ah, nakita mo nang VALENZUELAs ng sapatos ko e.
PAETE
A: Tikim ka nang tikim, e hinde ka naman pala bibile.
B: Una, kulang ang perang bigay po ninyo, pangalawa, lasa kasing maPAETE.
Ginawa at ipinadala ni: Willie Asuncion
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|