Nagbabakasyon sa isang "cruise ship" yung isang
pamilyang banyaga. Sa
kalikutan nung isang kasama nilang bata ay nahulog
siya sa tubig.
Balisang-balisa ang ina at walang ibang magawa kundi
sumigaw ng
paulit-ulit - "Please help my child! He fell
overboard! Someone...
Anyone... Please help my child!".
Lumipas ang ilang
sandali - wala pa
ring kahit na sinong nagtangkang sumagip sa bata.
Bigla na lang, buhat sa isang mataas na purok nung
"cruise ship", isang
Filipino crewman ang nakitang naka "swan dive" papunta
sa malalim na
tubig. Sa taas ng kaniyang pinanggalingan, mahigit na
ilang sandali ang
lumipas bago lumusong sa tubig yung "Filipino
crewman".
Ilang sandali
muli ang lumipas bago nakita ng lahat na pumangibabaw
sa tubig ang ulo
ng "Filipino crewman".
Palakpakan ang lahat na
nakatingin.
Lumangoy ang
"Filipino crewman" at pinuntahan at sinagip ang
nagpupumiglas na bata.
Maatikabong palakpakan mula sa lahat ng nanunuod.
Sa madaling sabi, naibalik ang nasagip na bata at ang
ating magiting na
"Filipino crewman" sa "cruise ship" at madaling
naharap sa isang
reporter ng 6:00 news sa isang "live interview".
Ipinahayag nung
reporter: "You are a true hero - having saved the life
of another human
being. Is there anything you wish to say to the
thousands currently
viewing the news?"