|
|
Ang Kabayo
Isang probinsiyano ang nagpunta sa Manila para magpatingin sa Psychiatrist tungkol sa
kanyang sakit.
EMIL: Ang problema ko ho, Doc, ay tungkol sa pagkakaroon ko ng takot sa
pagmamaneho. Nagsimula ho ito nang mamatay ang misis ko nang ang kotse niya ay
bumundol sa trak.
DOC: At simula noon ay natakot ka nang gamitin ang kotse mo sa pagpasok sa opisina?
EMIL: Hindi ho ako nag-uupisina, Dok. Mayroon ho akong maliit na grocery sa bahay.
DOC: E para saan yung kotse?
EMIL: Sa pamimili ko ho ng mga paninda gaya ng mga de lata, bigas at iba pa.
DOC: Ganoon ba? Pwes, lutas na ang problema mo! Kaya mo bang bumili ng Kabayo?
EMIL: Aba, oho! Mura lang ang kabayo sa probinsya namin!
DOC: Pwes, sa pamamagitan ng kabayo, hindi ka na magmamaneho ng kotse pag
mamimili ka sa palengke!
EMIL: Sige ho! Susubukan ko nga.
(pagkaraan ng isang linggo)
DOC: Ano iho, kamusta? Bakit malungkot ka? Sininod mo ba yung sinabi ko?
AMBO: Oho, Dok! Limang kabayo na ho yung nabili ko pero lahat ho sila ay hindi marunong magmaneho.
Galing daw sa Jingle.
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|