Erap, pare, pera, rape, ape....(Herap - lasing na Erap)
ni:KapitanKidlat
Sabi ng iba Erap is the guy.
Pero dito sa amin , hindi yata bagay.
Dapat sa presidente, medyo intelihente.
Para hindi sunud-sunuran sa mga tutang katabi.
Itong si Erap, hindi na natuto.
Kaliwa't kanan puro panluloko.
Ibinalik is Imelda at nilakad na walang kaso.
Para nga naman makuha ang kanyang sosyo.
Ang kanyang mga barkada, sina Mario at Lucio,
Mga angkan ni Imelda, pati na si Eduardo.
Ang kanang kamay na si dambuhalang Ronaldo..
Si Lucio Tan, Dante Tan , pati si Manero.
Wala pang dalawang taon ay heto na sila.
Mga diyaryong kritiko pilit pinasasara.
Manila Times, Inquirer at sinong susunod pa,
Para bukas makalawa ay wala ng kokontra.
Sabi ni Erap , walang kamag-anak, walang kaibigan..
Kayong mga loko hwag akong subukan,
Ako ang presidente na di nagkakamali
Lahat ng gusto ko, sinusunod parang hari.
Unang order nya, ilibing si Makoy..
Katabi ng mga bayaning gustong tumaghoy.
Nag-alsa ang mga barokan at tribung pinoy...
Umatras ang hari at mga alaga nyang baboy.
Si Erap namigay ng mga mamahaling sasakyan..
Sa mga kamag-anak, kabinete at kaibigan.
Sa halip na gumawa ng mas mabuting paraan,
Upang ang makinabang , ang mga mamayan.
Pangalawang order nya, baguhin daw ang konstitusyon..
At ang dagdag pa nya laos na raw yon.
Dapat daw ay gawing pang-globalisasyon..
Nang ang mga dummy ni Imelda ariin ang buong nasyon.
Habang ang tribung pinoy ay nag-kakagulo
Mga tuta ni Erap ay wiling- wili dito.
Saan ka nga naman nakakita ng ganito,
Presidenteng lasingero, babaero at uto-uto.
Habang si Erap ay kanilang binobosyo,
Kabi-kabilang raket ang mga tarantado!
Ni-rig ang kontrata ng fire trucks, posas at libro,
Pati ang stock market muntik ng mag-sarado.
Erap hindi lahat ng Pilipino ay hangal at gago.
Kami sumusubaybay at naghihintay sa 'yo.
Ngayon kung ang iyong direksyon ang hindi mo mabago,
Kami ay uling lalabas upang ipa-alala sa iyo.
Erap sa pagsisinungaling walang tatalo sa yo.
Pati si Kapitan Kidlat binabanggit mo,
Sa uulitin pag ngalan ko'y binanggit mo
Sa pagitan ng yong dalawang hita ako'y tatama sa yo!