Sa Juan ay ibig ng mag-asawa sa kasalukuyan ay mayroong
siyang kasintahan na si Maria. Isang Umaga ay kina-usap niya
ang kanyang Ama tungkol sa bagay na ito.
Juan: Tang, nasa hustong gulang na po ako ngayon at nais ko
na pong mag-asawa.
Ama: Eh, Anak mayroon ka nabang kasintahan?
Juan: Aba opo Tatang, Si Maria na anak ni Aling Corazon sa
kabilang Ilog.
Ama: Si Maria ba kamo anak, naku huwag hindi puede.
Juan: Aba, bakit naman po hindi pu-puede eh, dalaga naman
siya at binata naman ako.
Ama: Hindi mo na-iintindihan Anak, kasi ganito iyon, huwag
kang maingay sa iyong Ina ha, Kapatid mo sa akin si Maria
hindi alam ng Nanay mo.
Walang nagawa si Juan at nag-isip na lang ng ibang
maliligawan upang pakasalan. Lumipas ang ilang buwan ay
nag-karoon muli siya ng kasintahan at muling kina-usap ang
kanyang Ama Tungkol sa pag-aasawa.
Juan: Tang, hiniwalayan ko na si Maria at ngayon ay may bago
na po akong kasintahan at pakakasalan ko na po.
Ama: Eh, sino ba ito Anak?
Juan: Si Genobeba po na anak ni aling Kurdapya sa kabilang
baryo.
Ama: (Nabigla) Naku Anak, hindi pu-puede, kapatid mo rin
siya sa akin hindi alam ng nanay mo.
Walang nagawa si Juan. Umalis na inis na inis sa kanyang Ama
at pumunta sa kanyang Nanay at sinumbong ang gawain ng Tatay
niya.