www.Bayani.com title
Bumalik sa Simula
 
Designed and
Hosted by:


 
 


Magpalista sa
Balitang Bayan



 
Erap In Olympics

Si Erap nung siya pa ay VP ng Pilipinas as naging Keynote Speaker sa Opening Ceremonies ng 100th Oympics sa Atlanta, Georgia nung 1996.

Sa stage, of course, nandun si Bill Clinton, VP Al Gore at ang ating bida na si ERAP...wala si FVR.

Start ng Ceremony:

EMCEE: Athletes, Ladies and Gentlemen, Good evening. We are gathered here tonite to witness the greatest moment of the history of the Olympics, which is to celebrate this year the 100th year of Olympics....only here in Atlanta, Georgia.

Lahat ng mga athletes ay excited na excited na....pero si ERAP ay pinapawisn ng husto dahil wala pa ang kanyang scriptwriter at wala siyang kaalam-alam sa Olympics.

EMCEE: At this point, I would like to introduce to you our guest speaker. He is now other than the Vice President of the Republic of the Philippines, VP Joseph "Erap" Estrada.

Of course, nagpapalakpakan ang lahat ng mga athletes lalo na ang mga Pinoy....at nagsigawan ng "ERAP, ERAP, ERAP....."

Si ERAP naman ay balisang-balisa na dahil wala pa kasi ang kanyang speechwriter...pero walang magawa si ERAP kundi pumunta sa speaker stand at nagsalita...

ERAP (with his golden voice.. habang naalala niya ang kanyang speech choir piece nung sya ay nasa kolehiyo pa):

FRIENDS! ATHLETES! FILIPINOS! LEND ME YOUR EARS!!!

At lahat ng mga Pinoy ay nagsigawan uli nga "ERAP, ERAP, ERAP.....".. pero si ERAP ay hirap na hirap na dahil wala pa rin ang kanyang speechwriter.....

ERAP (pinapawisan habang inuulit ang intro): FRIENDS!.....(nang dumating ang kanyang speechwriter)....Sabi niya sa sarili:
Ay Salamat!!

SPEECHWRITER: Mr. Vice President, heto na ho ang script nyo..

ERAP: (inuilit na naman ang into): FRIENDS! ATHLETES! FILIPINOS! LEND ME YOUR EARS!!!

At nagsisigawan na naman ang mga Pinoy : "ERAP, ERAP, ERAP....."..

ERAP (binasa ang nakalagay sa script): "O"..."O"...

Nagtaka ang mga tao.. pati na sina Bill Clinton at Al Gore...

Patuloy pa rin si ERAP: "O"....

Nagtaka rin ang speechwriter at pinuntahan si ERAP, at nakita nya ang binasa ni ERAP.

SPEECHWRITER: Eh, Mr. Vice President, hindi ho yan kasali sa speech mo..

ERAP: Ha! Bakit?? Ano ba yan?

SPEECHWRITER: Hehe, LOGO ho yan ng OLYMPICS.... (tinukoy ang 5 colored rings nga Logo ng Olympics)



by: KATOL

Pindutin ITO para bumalik sa listahan.


Walang Kopyahan
©2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.