|
|
Erap 14
Latest on Presidente Erap.
By the way, rumors are going on
that Erap will soon change RP (Republika ng Pilipinas) to
RPP (Republika ng Pelikulang Pilipino).
ERAP to Anti-Organized Crime Task Force Chief LACSON
Lacson: Mr. President, eto ang mga litrato ng mga most
wanted criminals natin. Matinding manhunt na po ang ating
isinasagawa para mahuli silang lahat!
Erap: Ganun ba! Eh bakit n'yo pa sila pinakawalan nang
kunan n'yo sila ng litrato?!!!
Dear JV:
kamusta na sa amerika anak?
Mabagal ko'ng isinulat ang liham na ito dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Anak, gusto ko lamang iparating na hindi na kami sa Malacanang nakatira ngayon. Nabasa kasi ng mommy mo (si Loi siya di ba?), na kadalasan na ang mga aksidente ay nangyayari sa bahay kaya't napagpasiyahan ko na lumipat na ng tirahan. Pero huwag kang mag-alala. Dinala ko naman ang karatula ng ating lumang address kaya maari mo pa rin akong sulatan sa dati nating address. mahirap na kasi ang pabago-bago. alam mo naman na napakarami kong kinakabisado.
Maganda naman ang tirahan namin ngayon. Mayroon pa ngang built-in na washing machine. subali't ng labhan ko yung damit ko, hindi na bumalik. kaya't huwag kang bibili ng Saniware washing machine, anak. malakas pa naman sana ang ikot ...
Maganda rin ang lagay ng panahon dito. dalawang beses lamang umulan last week. yung una, mula lunes hanggang miyerkules. yung pangalawa, mula huwebes hanggang linggo.
Tungkol nga pala sa coat na gusto mong ipadala namin... masyado raw mabigat sabi ni orly kung isasama yung mga butones. kaya pasensiya ka na kung tinanggal namin bago namin ipadala. nilagay naman namin sa bulsa para hindi mawala.
Ay naku! alam mo bang basang-basa kami nung martes (nung unang umulan last week)? naiwan kasi nitong si senator tito yung susi ng BMW niya sa loob. e nakabukas pa naman ang sunroof ! basang-basa tuloy ang interior! mabuti na lamang at gumanap na carnapper itong si jinggoy nung araw kaya nabuksan niya ang kotse mula sa labas. ang kaso mo, ng pumasok kami ni jinggoy, naiwan si senator tito sa labas at hindi na naman niya mabuksan ang kotse! WALA na NAMAN sa kanya ang susi. &^&@%* mga artistang politiko talaga yan! hindi gumagamit ng IQ... muntik na kaming malunod nuon ah!
naalala ko tuloy yung pinsan kong nahulog sa tangke ng whiskey! marami sana ang gustong sumagip pero pinilit pa ring niyang uminom at libre! ayun, nalunod at pina-cremate ---- anim na araw rin ang binilang bago natapos ang apoy...
kaya pag namatay ako, hindi ako paki-cremate... masakit.
Siyanga pala, nanganak na si jackie kahapon.. hindi ko pa alam kung lalaki o babae kaya hindi ko masabi kong ikaw ay isa ng uncle o auntie. naku! napakalikot na bata... eager beaver ika nga!
anak, hanggang dito na lamang muna ang aking liham... marami pang pagbabago ang kailangan gawin sa pilipinas. ayun sa survey, 95% pa lang ng mga filipino ang naging madasalin mula ng ako'y naging presidente! kailangan 120%!!! siyempre kailangan kasama ang mga OCW sa abroad, no?
love,
PAPA ERAP
P.S. papadalahan sana kita ng pera pero nakasarado na ang sobre...
Galing sa mga email na ipinadala nina: Ariel Morales, Hazelle Flores, Joselito Mancanes at ni Melodramatic Fool
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|