May isang Americano na umuwi ng Pilipinas para makilala niya
and penpal niya ng personal. Paglabas niya nang airport,
nag-take siya nang bus na papunta sa lugar ng kaniyang
ka-penpal at sinabi niya ang address sa konduktor ng bus.
Pagdating doon sa lugar, huminto and bus at bumaba ang
Americano. May nakita siyang bata na naglalaro sa kanto.
Nilapitan niya ito at ipinakita ang litrato ng kaniyang
penpal.
Tiningnan ng bata ang litrato at agad na nakilala ng bata
ang babae.
"Si Ate Marissa, 'yan, eh!," ang sabi ng bata.
"Yes, it is Marissa. Do you know where she lives?", ang
tanong ng Americano
Nag-isip ang bata ng isasagot dahil hindi siya marunong
mag-English.
Ang sinabi ng bata, "O.K., you liko-liko here, you
liko-liko there,
and then you liko-liko over there until you bundol the
pader."
Nag-isip ang Americano ngayon kung ano ang kaniyang
isasagot.