www.Bayani.com title
Bumalik sa Simula
 
Designed and
Hosted by:


 
 


Magpalista sa
Balitang Bayan



 
Erap at ang Presyo ng Gas

Mega-traffic sa Mendiola. Tatlong oras nang nakahinto
ang mga sasakyan kaya napilitang magtanong ang isang
driver sa pulis na nakaantabay.
"Ano ba ang nangyayari?"
"Nasa gitna ng kalsada si Erap, galit na galit sa mga
may-ari ng gas dahil taas sila nang taas ng presyo.
Ang sabi ni Erap, kapag hindi nagbaba ng presyo ng mga
langis, bubuhusan niya ang sarili niya ng langis at
susunugin niya ang sarili niya."
"Ang bait ni Erap."
"Kaya umiikot kaming mga pulis para tulungan si Erap
na makalikom ng kailangan niya eh."
"Magkano na ang nakukuha ninyo?"
"Sa ngayon, tatlong lighter, limang posporo at sampung galon ng gas."

Pindutin ITO para bumalik sa listahan.


Walang Kopyahan
©2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.