www.Bayani.com title
Bumalik sa Simula
 
Designed and
Hosted by:


 
 


Magpalista sa
Balitang Bayan



 
Naalala nyo ba nung ...

1. piso lang ang pamasahe (ngayo'y 3.00 na)
2. ang babae lang ang may hikaw
3. ang preso lang ang may tattoo
4. kilala mo ang lahat ng myembro ng Voltes V
5. pinagtatawanan ang itim na rubbershoes at mahahabang shorts
6. pinalayas ng mga Pinoy ang mga Marcos (pero ngayo'y pinabalik uli sa pwesto)
7. kala mo'y magkakatuluyan sina Ate Sienna at Kuya Bodjie ng Batibot
8. si Erap ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa
9. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
10. FACES ang in na gimikan
11. SM City ang pinakamagandang mall sa bansa
12. piso lang ang isang basong taho
13. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho
14. tarzan, jojo, at tootsie roll at texas ang pinaggagastusan mo ng mga beinte singko mo
15. trianggulo pa ang sunkist tetrapak (de hindi na tetrapak yon)
16. nagkakakalyo ka dahil type writer pa ang ginagamit mo para sa mga school papers mo
17. kaya uso pa ang carbon paper
18. at liquid paper
19. VETO ang iyong deodorant o kaya MUM (kaya lumalakas ang loob mong maging MUMyayakap)
20. at tancho gel ang pang-ayos mo ng buhok
21. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin bago matulog
22. nanliligaw pa lamang si Brod Pete kay Shirley sa John and Marsha
23. sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon noon
24. nakakapag-grocery ka na 100 piso lang ang dala
25. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo
26. at hirap na hirap kang tumawag mula sa public phone kasi limang dyis ang kailangan mong hagilapin
27. sosyal si pareng Mon kasi naka-cell phone siya, ngunit hanggang kotse lang yon kasi mabigat bitbitin
28. hinihingi mo yung computer cards (yung butas-butas) ni daddy mula opisina niya para gumawa ng saranggola para sa iyong school project
29. pag narinig mo ang Every Breath You Take, si Sting at si Sting lang ang pumapasok sa utak mo
30. si Helen Vela ang naririnig mo pag binuksan mo ang radyo mo sa OK 101
31. dalawang piso lang ang songhits
32. iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski kasi kuwarenta anyos na siya
33. pango pa si Vilma
34. kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita
35. 25 sentimos lang ang baon mo sa iskwela, eh, happy ka na
36. 10 sentimos lang ang sarsi (sobrang tagal na 'yon ha!)
37. Oras ng Ligaya ang pinagkakaguluhan ng lahat
38. pagdating ng alas-sais, ready na yung tubig mo para mag-toning
39. ang kapal ng pamada mo sa buhok para alalayan yung singko mong pinagpipilitang i-shoot sa maliit na garapa sa loob ng boteng may tubig
40.lagi kang nababalagoong sa tumbang preso
41. napakamura pa ng ubas at kastanyas
42. Milo at Ovaltine lang ang chocolate drink na iniinom mo, cocoa para sa mas matatanda
43. Nutribun pa ang baon mo sa eskwela
44. tex, jolen, patintero, tantsing, sipa, taguan, agawan base at syato lang ang sports na nilalaro mo
45. bitin at baston pa ang pantalon mo.
46. si Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, Coney Reyes, Helen Vela, sama mo na si Malu Maglutac, JQ (Joe Quirino) at Ariel Ureta ang mga paborito mong tv host.
47. Top Sider, Robertson, Bla-bla, Haruta ang sapatos na pangarap mong bilin.
48. may dala-dala ka pang linoleum pag naglalakad ka sa kalye baka kasi may maka showdown ka ng break dancing.
49. Strut at Punk ang gusto mong sayawin bukod sa break dance.
50. napaka itim pa ni ate guy nun
51. gagamba ang paboritong mong pet.
52. Analisa at Flor de Luna lang ang pinanonood mo, ngayon Rosalinda na.
53. Khumbmella, Blazing Product, or attache case ang gamit mong bag sa school.
54. naka plastik na may straw lang ang binibili mong tag 75 sentimos, na melon, sago at gulaman. Wala pang plastik cups n'on.
55. pusa pa ang nilalagay ng iba sa siopao
56. hopiang munngo at hopiang baboy na may kasamang Pop o Sarsi ang meryenda mo.
57. sosyal ka pag umiinom ng Sarsi with egg.
58. may mabibili ka pa sa singko sentimos mo at may mamera pa n'on (1 cent)

Padala ni Lydia Rodriguez

Pindutin ITO para bumalik sa listahan.


Walang Kopyahan
©2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.