www.Bayani.com title
Bumalik sa Simula
 
Designed and
Hosted by:


 
 


Magpalista sa
Balitang Bayan



 
Battle of the Brainless 1

Question: Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod? Clue: starts with the letter "S" - Go!!!
(correct answer="salbabida")
Beep!
Contestant 1: (linalapit ang bibig sa mike) Sirena.
host: Hindi! Hindi ito babae.
Beep!
Contestant 2: Siyokoy.
host: Hinde!! Hinde ito Lalake!
Beep!
Contestant 3: Siyoke.

Q: Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles? Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo"
(Octopus).
A: October.
Q: Hindi, walo nga ang tentacles nito.
A: Octo-walo.
Q: Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan.
A: Octoart Dancer.
Q: Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
A: Octoarts Dancers.
Q: Hindi pa rin.
A: Octomechanix

Q: What is the national fish of the Philippines? Clue: Its name starts with the letter "b"
(Bangus).
A: Botete.
Q: Hindi, may "s" sa dulo.
A: botetes.

Q: Ano ang national tree of the Philippines? Clue: Nagsisimula ang pangalan niya sa letrang "N"
(Narra).
A: Niyog.
Q: Mas matigas pa diyan.
A: (In a strong-sounding voice) NIYOG!

Q: Ano ang total ng 2 + 2?
A: Three!
Q: Hindi, mas mataas pa diyan.
A: (In a high-pitched voice) Three!

Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal? Clue: "B" ang simula
(Bagumbayan)
A: Sa back?
Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta).
A: Sa likod?
Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang kaniyang modern name - "RP" (Rizal Park).
A: Sa rear part

Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo. Clue: Nagsisimula sa letrang "B"
(Beach).
A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na mga babaeng naka-bikini.
A: beerhouse!

Q: What is the National Bird of the Philippines? Clue: Its name starts with the letter "M"
(Maya).
A: Manok!
Q: Hindi, brown ang kulay nito.
A: manok na pinirito.
Q: Hindi, mas maliit pa diyan.
A: Maggi chicken cube

Q: What is the National Flower of the Philippines? Clue: It starts with the letter "S"
(Sampaguita).
A: Sunflower.
Q: Hindi, binibenta ito sa kalye.
A: Stork.
Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: sitsarong bulaklak!
Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A".
A: Sitsarong bulaklak na may suka!
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan ko pa:
pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
A:Si Sharon Cuneta

Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod? Clue: "L" ang simula ng pangalan niya
(Lifeguard)
A: Lifebuoy.
Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ng pangalan ng taong ito.
A: Safeguard.
Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pag pinagsama mo ang mga dalawang sagot mo.
A: Safe boy.
Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
A: Si Mr. Clean.

Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill? Clue: Ang initials niya ay "N-A"
(Ninoy Aquino)
A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay "Y".
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati siyang naging Senador.
A: The former Senator Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na siya!
A: Patay na pala si Nora Aunor?!


Galing sa email na ipinadala ni: Roy Concepcion
(binago ng bahagya para hindi makainsulto ng tao)

Pindutin ITO para bumalik sa listahan.


Walang Kopyahan
©2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.