|
|
ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG TINATAMAD KANG MAGTRABAHO ?
- Huwag aabsent.
- Huwag male-late.
- Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang
drawer at
magkalkal. Kunwari ay may hinahanap.
- Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang
mga filing
cabinet. Maghanap ka ng ipis. Kung wala kang mahanap,
tingnan
mo ang iyong incoming & outgoing tray. Kalkalin at
maghanap ng
mga natira sa iyong mga kinutkot kahapon. Huwag
kakainin muli.
Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga
iyon ay
kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo
sa iyong
front drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay
ilagay muli sa
drawer. Maaari mo pang magamit iyon bukas. Malaking
katipiran sa
iyo.
- Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad
ang
telepono at magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng
iyong kausap
tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng "Oh! I am
sorry but I
will bring that to your office immediately." Kumuha
kaagad ng
kahit anong folder at magpaalam ng maayos at buong
giliw sa
iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.
- Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang
sarili.
Mag-retouch kung babae. Tingnan kung baligtad ang
underwear na
naisuot at kung lalaki, maghilamos at basain ng konti
ang buhok.
Magtiris ng mga taghiyawat. Magtagal ng mga limang
minuto.
- Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer.
Hintaying
matapos ang Auto Scan. Marami ring minuto ang
magugugol dito.
Magbukas ng isang file... Isa pa... at isa pa
uli...!!! Pumunta
sa ccmail, tingnan ang inbox kung may hindi pa
nababasa.
Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka lamang sa Grade
One.
- Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report.
Titigang
mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit.
Bilangin kung
ilang words ang nagamit.
- Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag
mong
hayaang ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin. Tanungin
tungkol sa
mga National Issues katulad ng tungkol sa mga jokes
kay Erap o ng pagtaas ng langis. Kumustahin din ang
latest
style ng kanyang damit pati na kung saan
nagpapa-manicure at
pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang
pakikipag-usap.
Magagalit ang iyong boss.
- Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa
deadline
hour. Kung may ita-type, magtype ng 10 wpm.
- Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang
araw. Ayusin
isa-isa habang ini-imagine ang sarili na sumasahod ng
15,000
pesos isang buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para
sa ilang
araw na gawain.
- Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi
ring
bumisita sa ibang department, makipagchikahan.
- Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa
mo ang
lahat ng nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon ay lalo
kang maiinip.
Hayaang mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran.
Magugulat ka na
lamang na "time" na pala para umuwi.
- Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong
trinabaho.
At bago umuwi, dumaan ng CR. Tingnan at hipuin ang
mukha kung
gaano kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na
mula umaga ay
tingin ng tingin sa iyo. Hindi naman sila ang
nagpapasuweldo.
Galing sa email na ipinadala ni: Ariel Morales
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|