www.Bayani.com title
Bumalik sa Simula
 
Designed and
Hosted by:


 
 


Magpalista sa
Balitang Bayan



 
Accidente

     Isang madilim na gabi, may dalawang turistang nagtangkang bumaba ng Baguio patungong Maynila. Sina Peter Hill at ang kanyang asawang Jenny Hill ay nagmamadali dahil lilipad na sila sa Estados Unidos sa kinaumagahan.

      Habang kumakaripas ng takbo sa highway, may isang kalabaw na tumawid at sinabayan ng isang malaking kidlat at kulog. Nagulat si Peter Hill at bumangga sila sa isang puno. Nang matauhan si lalake, nakita niya na duguan at walang malay ang kanyang asawa. Agad siyang lumabas, binuhat ang asawa at naglakad para maghanap ng tulong.

      Sa may kalayuan, nakakita siya ng isang malaking lumang bahay na may ilaw. Lumapit siya at kumatok. Isang kuba ang sumagot at tinanong siya "Anong kailangan niyo?" Hindi na ininda ni Peter ang itsura ng kuba at agad sumagot "I am Peter Hill and this is my wife Jenny Hill. I hope you understand me because I need help. We had an accident and my wife is seriously wounded." Sabi ng kuba:"Yes, I understand little. Come in. My master a doctor." Agad ipinasok ni Peter ang kanyang asawa at inihiga sa sofa. "I call my master. Wait here." ang sabi ng kuba.

      Ilang minuto ang nakalipas nang bumaba ang isang lalaking maputla at may katandaan na nakasuot ng isang pulang-pulang robe. "My name is Don Guancho." ani ng bumaba. "I am a doctor but not the kind that you need but I think I have some equipment here that can help. Please bring your wife to my laboratory. I shall try to call for medical help but it will take several hours to get here and your wife badly needs help."

     Pagkatapos ng isang oras na sinubukang gamutin ng Don ang babae. Napansin niyang wala nang pulso ito. Malungkot siyang pumunta sa lalake na nakatulog sa upuan. Nagulat din siya nang nakita niyang patay na rin ang lalaki sa kanyang mga natamong sugat. Napasigaw ito sa sama ng loob at malungkot na nagpunta sa kanyang silid at nagsimulang tumugtog ng piano na nagpapakalma sa kanya.

      Habang ang Don ay tumutugtog, napansin ng naiwang kuba na ang kamay ni Jenny Hill ay nagsisimulang gumalaw. Tiningnan niya rin ang lalaki at parang nagsimula na itong huminga ulit. Agad siyang tumakbo sa kanyang amo at pasigaw na pumasok "Master, Master, the Hills are alive with the sound of music!!"

Hehehe.


Isinalin at binago ni: Super Perez

Pindutin ITO para bumalik sa listahan.


Walang Kopyahan
©2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.