|
|
Naalala nyo ba
Naalala nyo ba nung ...
- piso lang ang pamasahe (ngayo'y 3.00 na)
- ang babae lang ang may hikaw
- ang preso lang ang may tattoo
- kilala mo ang lahat ng myembro ng Voltes V
- pinagtatawanan ang itim na rubbershoes at mahahabang shorts
- pinalayas ng mga Pinoy ang mga Marcos (pero ngayo'y pinabalik uli sa pwesto)
- kala mo'y magkakatuluyan sina Ate Sienna at Kuya Bodjie ng Batibot
- si Erap ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa
- ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
- FACES ang in na gimikan
- SM City ang pinakamagandang mall sa bansa
- piso lang ang isang basong taho
- at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong
magtataho
- tarzan, jojo, at tootsie roll at texas ang pinaggagastusan mo ng mga beinte singko mo
- trianggulo pa ang sunkist tetrapak (de hindi na tetrapak yon)
- nagkakakalyo ka dahil type writer pa ang ginagamit mo para sa mga school papers mo
- kaya uso pa ang carbon paper
- at liquid paper
- VETO ang iyong deodorant o kaya MUM (kaya lumalakas ang loob mong maging MUMyayakap)
- at tancho gel ang pang-ayos mo ng buhok
- KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin bago matulog
- nanliligaw pa lamang si Brod Pete kay Shirley sa John and Marsha
- sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon noon
- nakakapag-grocery ka na 100 piso lang ang dala
- anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo
- at hirap na hirap kang tumawag mula sa public phone kasi limang dyis ang kailangan mong
hagilapin
- sosyal si pareng Mon kasi naka-cell phone siya, ngunit hanggang kotse lang yon kasi
mabigat bitbitin
- hinihingi mo yung computer cards (yung butas-butas) ni daddy mula opisina niya para gumawa
ng saranggola para sa iyong school project
- pag narinig mo ang Every Breath You Take, si Sting at si Sting lang ang pumapasok sa utak
mo
- si Helen Vela ang naririnig mo pag binuksan mo ang radyo mo sa OK 101
- dalawang piso lang ang songhits
- iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski kasi kuwarenta anyos na siya
- pango pa si Vilma
- kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita
- 25 sentimos lang ang baon mo sa iskwela, eh, happy ka na
- 10 sentimos lang ang sarsi (sobrang tagal na 'yon ha!)
- Oras ng Ligaya ang pinagkakaguluhan ng lahat
- pagdating ng alas-sais, ready na yung tubig mo para mag-toning
- ang kapal ng pamada mo sa buhok para alalayan yung singko mong pinagpipilitang i-shoot sa
maliit na garapa sa loob ng boteng may tubig
- lagi kang nababalagoong sa tumbang preso
- napakamura pa ng ubas at kastanyas
- Milo at Ovaltine lang ang chocolate drink na iniinom mo, cocoa para sa mas matatanda
- Nutribun pa ang baon mo sa eskwela
- tex, jolen, patintero, tantsing, sipa, taguan, agawan base at syato lang ang sports na
nilalaro mo
- bitin at baston pa ang pantalon mo.
- si Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, Coney Reyes, Helen Vela, sama mo na si Malu Maglutac, JQ
(Joe Quirino) at Ariel Ureta ang mga paborito mong tv host.
- Top Sider, Robertson, Bla-bla, Haruta ang sapatos na pangarap mong bilin.
- may dala-dala ka pang linoleum pag naglalakad ka sa kalye baka kasi may maka showdown ka
ng break dancing.
- Strut at Punk ang gusto mong sayawin bukod sa break dance.
- napaka itim pa ni ate guy nun
- gagamba ang paboritong mong pet.
- Analisa at Flor de Luna lang ang pinanonood mo, ngayon Rosalinda na.
- Khumbmella, Blazing Product, or attache case ang gamit mong bag sa school.
- naka plastik na may straw lang ang binibili mong tag 75 sentimos, na melon, sago at
gulaman. Wala pang plastik cups n'on.
- pusa pa ang nilalagay ng iba sa siopao
- hopiang munngo at hopiang baboy na may kasamang Pop o Sarsi ang meryenda mo.
- sosyal ka pag umiinom ng Sarsi with egg.
- may mabibili ka pa sa singko sentimos mo at may mamera pa n'on (1 cent)
Galing sa email na ipinadala ni: Lydia Rodriguez
Pindutin ITO para bumalik sa listahan.
Walang Kopyahan �2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot. |
|
|
|