www.Bayani.com title
Bumalik sa Simula
 
Designed and
Hosted by:


 
 


Magpalista sa
Balitang Bayan



 
Erap Letter to Jude

Dear Jude,

Kumusta ka na? Sana nasa mabuti kang kalagayan dyan sa Boston, Amerika.. Kumusta ba ang eleksyon sa states.? Balita ko dalawa daw ang presidente dyan ngayon.. Nagkausap nga kami ni Pres. Bill kahapon, sabi nya masyado raw talagang close ang eleksyon dahil sa Florida. Sabi ko di gawin dyang presidente ng US si Bush tapos si Gore gawin nyang presidente ng Florida. Dito nga sa atin, halos ayaw ng tao ng presidente tapos sila gusto nila marami. Natawa na naman sya sa akin. Oks talaga ang sense of humor nyan ni Clinton. Nung nag-uusap nga kami sabi nya "hold-on" at may other incoming call sya. Medyo tatlong oras din akong naghintay tapos, pinakausap niya ako sa personal driver nya. Hanep yon , ang galeng mag-ingles. Ang tagal din naming nag-kwentuhan ah!

Nabili ko na nga pala yung English-Tagalog Dictionary na hinihingi mo. Hindi ako makalabas kaya sa Internet na lang namin binili. May isang shop sa NewYork na nakita namin , binili ko na agad kasi libre ang shipping. Pina-deliver ko sa San Juan para sulit. Isi-ship na lang namin dyan sa Boston. Mali nga yung desisyon ko eh. Dapat sa California ko na lang pina-deliver dahil anduon yung Tito mo. Sini-singil tuloy kami ng post office ng mahal kaya inutusan ko si Executive Secretary Zamora na I-email na lang yung dictionary para wala ng shipping charges. Last week pa sila bising-bisi kata-type sa kompyuter , siguro next week matatanggap mo na. Pupunta pala dyan si Atong para mag-bakasyon this Friday, pinadala ko yung laser printer natin baka sakali gusto mong i-print yung dictionary.

Magulo ngayon dito. Ang daming rally. Halos araw-araw. Nalilito na nga ako kung saan ako pupunta. Kahapon dahil medyo lasing pa kami ni Atong, napunta kami sa Edsa rally. Buti na lang nung nasa gitna na kami na-alala ko na sa Luneta pala yung pro-erap rally. Gumimik na lang kami. Sabi ko si Willie Nepomuceno ako at minimimik ko si Erap. Lusot na sana kaya lang gago itong si Atong! Sabi si Laarni Enriquez daw siya . Nabugbog tuloy. Pag-nalaman ng mama mo yan baka magtampo na naman sa akin.

Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nila sa akin. Sabi nila bumbagsak daw yung peso eh hindi naman. Tumataas nga lalo. Yung stocks mas favorable pa nga sa mga mahihirap dahil mehyo affordable na yung prices dahil bumababa. Ayaw pa nila nuon.?

Iyung pera ng Juweteng na binigay ni Chavit sa akin , sinabi ko nang bribe 'yon ni Chavit na hindi ko tinanggap. Nabigla nga ako ng sabihin nila na may 200M duon sa account ng foundation ko. Ang paliwanag naman ni Atty Ed Serapio kaya hindi namin napansin na may pera dahil nauna yung deposit bago pa na-istablish yung foundation. Sabi niya nung April 1999 pa dumating yung pera tapos yung foundation last week lang tinayo kaya yung pera na-hold sa bangko at hindi nag-reflect sa account . Kaya hindi ko alam na may pera until recently.. Nung malaman ko nga sabi ko kay Ed isauli kay Chavit para may ebidensya kami laban sa kanya. Matagal ko nang alam na Jueteng lord yang si Chavit eh! Wala lang kaming ebidensya. So ang order ko, isauli yung pera kay Chavit tapos hulihin sya sa akto habang tinatanggap yung pera. Ngayon sino ang tumatanggap ng bribe? Lusot ako dyan!

Nanuod pala kami ni Jinggoy ng Miss Saigon kagabi sa Folk Arts Theater. Hanep ang pa-effects. Si Leah Salonga pala eh pinoy. Akala ko Vietnamese sya eh. Natawa tuloy si Jinggoy. Hindi naman daw si Leah yung Kim kagabi kundi si Monique Wilson. Amerkana daw 'yon. Buti na lang dumating si JV at sinabi sa amin na sa CCP yung Miss Saigon show at hindi sa Folk Arts theater. Kundi malamang nag-away pa kami ni Jinggoy.

Bumalik na nga pala yung Mommy mo sa Malacanang. Nagtampo pala talaga sa akin dahil puro na lang daw si Laarni ang binibilhan ko ng mga bagong bahay. Ang sabi ko naman sa kanya, maliit lang ang sweldo ko as President kaya hindi ko sya mabilhan ng bagong bahay. Yung ginastos ko kay Larrni eh yun yong mga napanalunan ko sa mahjong. Tapos nagtampo rin sya kay Jinggoy dahil nung huling umuwi sya , eh ambulansya ng San Juan ang sumundo sa kanya at saka Fire Trucks. Ang paliwanag ni Jinggoy, para daw hindi mahalata na nangungurakot kami. Kung Lexus or MB nga naman medyo obvious. At least pag si Laarni o kaya si Guia, hindi sila First lady kaya hindi halata. Bilib talaga ako sa reasoning ng big brother mo. Pang- senado talaga!

Kumusta ka daw sabi ni Jackie. Ayos daw ba ang operasyon mo? Yung tumor mo sa ulo eh hindi naman serious dahil malayo daw sa utak. Sabi nga ng duktor, manang-mana ka daw sa akin . Like Father, like son. Kaya don't worry. Justice will prevail! 'Yan na nga lang ang pagkaka -lamang ko kay Ninoy Aquino. Kung katulad ko sya, di sana buhay pa sya nung binaril siya sa ulo.

Na-aprubahan na ang impeachment case ko kahapon ng Kongreso. Di ba sabi ko madaliin nila. Iyon minadali nga! Mga bwiset na Tongressman ! Ngayon nasa Senate na ang kaso. Gusto ko ngang mag-resign para hindi matuloy yung hearing kaya lang bad trip. Mag-babakasyon pa naman kami dyan. Sabi naman ng mga advisers ko eh malamang ma-abswelto ako kung mag-ki-claim akong insanity. Lusot na naman!. Pinag-susuot nila ko ng attire ni Bentot for the hearings. Ang sabi ko baka mahalata ang acting ko dahil patay na si Bentot. So nag-suggest ako na mas believable kung si Jinggoy na lang ang gayahin ko .. Eh comedian di naman yun eh, kamukha ko pa!.

Si Ninang Imelda mo nga pala ay naimbitahan kami itong last weekend lang to visit Ilocos Norte. Katabi lang pala iyun ng Ilocos Sur?. Anyway, dinalaw namin yung musoleo ni apo Makoy sa Batac. Masyadong malamig pala duon sa loob. Machong-macho pa rin si apo. Ano kayang hitsura niya kung ki-nremate sya? Na-alala ko naman yung isang barkada ko na nalunod sa Whiskey na halos isang linggo din nag-apoy yung katawan bago naging abo nung ki-niremate. ha ha! Kidding aside, maganda ang pagka-ritoke kay apo. Isang pisi na lang sa bumbunan mukha na syang kandila . Shh.. hwag kang maingay sa Ninang mo hah.

Oy may bagong tsismis ako. Si Aga at si Harlene ikakasal na. Nabigla nga si Herbert Bautista ng sabihin ko sa kanya. Si JV may bagong pino-pormahan. Ayaw sabihin sa akin nung una pero ng nag-promise ako na hindi ko sasabihin kahit kanino, sinabi nya na rin. Kaya pasensya ka na Jude kung ayaw ipasabi ni JV na sila na ni Kris Aquino. Secret talaga eh! I need to honor my words to JV.

Hanggang dito na lang at masyado nang mahaba itong sulat. I-I-email ko nga lang sana sa 'yo kaya lang hindi ko ma-I-print. Na-ibalot na kasi ni Atong 'yung printer para dalhin dyan. Padalhan mo ako ng white wine hah! Yung kulay puti.

Love,
Dad.

P.S. Padadalhan sana kita ng pera dyan kaya lang wala akong cash. Yung credit card ko na lang ang nilakip ko dito sa letter. Itawag mo sa kin pag kailangan ng signature at ifa-fax ko sa 'yo.

Galing sa email na ipinadala ni: Kapitan Kidlat

Pindutin ITO para bumalik sa listahan.


Walang Kopyahan
�2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.