www.Bayani.com title
Bumalik sa Simula
 
Designed and
Hosted by:


 
 


Magpalista sa
Balitang Bayan



 
Duktor

"Mabuti pang maghiwalay na tayo, nagdududa na ang mister mo," umpisa ng dentista sa kabit niyang pasyenteng babae.

"Bakit? Nagmamahalan naman tayo, di ba?"

"Oo nga, kaso ubos na tayo ng alibi. Iisang ngipin na lang ang natitira sa bibig mo," paliwanag ng dentista.


Nagpa-cleaning ng ngipin si Pedro sa kanyang dentista. Habang nakaupo sa silya at nakanganga ang bibig, nagsalita ang kanyang dentista.

"Nakipag-oral sex ka, ano?" tanong ng dentista.

Namula si Pedro at ngumita na lang. "Bakit dok, may buhok ba sa ngipin ko?"

"Hindi, may etsyas ka pa sa ilong mo, eh!"


Apat na nurse ang nag-uusap tungkol sa isang mayabang na doktor at napagplanuhan nilang paglaruan ito. Gumawa ng paraan ang apat para makaganti sa doktor at nagkita sila kinabukasan para pag-usapan ang mga ginawa nila.

"Sinaksakan ko ng bulak ang stethoscope niya para wala siyang marinig," tawang-tawang kinuwento ng unang nurse sa tatlo.
"Inalis kong lahat ang mercury sa mga thermometer niya at pininturahan kong lahat ito para mag-mukhang 106 degrees palagi ang basa niya," kuwento naman ng ikalawang nurse.
"Mas grabe ang ginawa ko, inaspili kong lahat ang balot ng condom sa kanyang desk para butas lahat ang gagamitin niya," kuwento ng pangatlo.

Hinimatay ang pang-apat.


Naglalakad sa pasilyo ang ospital ang doktor nang bigla niyang makasalubong ang isa niyang pasyenteng sumisigaw at tumatakbo sa takot habang hinahabol naman ng isang nurse na may hawak na kumukulong tubig. Sumigaw ang doktor.

"Nurse! Ang sabi ko, 'prick his boil', tusukin mo ang pigsa niya, hindi 'boil his prick!"


May isang babaeng nakahiga na sa isang operating table sa pasilyo at naghihintay na lang na operahan.

May isang nakaputing lalaki ang lumapit sa kanya, inangat ang kumot at sinilip ang katawan nitong hubad.

Pagkatapos nitong tingang nang matagal ang hubad na katawan ng babae, umalis na ito.

Limang minuto ang nakaraan, ang mamang nakaputi ay bumalik at muling inangat ang kumot at sinilip ang hubad na katawan. Pagkatapos ay umalis na ito.

Makaraan ang ilang minuto, muli na namang bumalik ang mamang nakaputi at muling sumilip sa loob ng kumot.
"Dok, kelan ba ako ooperahan?" tanong ng babae.
"Hindi ko po alam, pintor lang ako rito," sagot ng mamang nakaputi.

Galing sa email na ipinadala ni: Melodramatic fool

Pindutin ITO para bumalik sa listahan.


Walang Kopyahan
�2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.