Bagong salta sa Manhattan sa New York si Armando galing sa isang
maliit
na barrio sa Pilipinas. Manghang mangha si Armando sa laki at
ganda at
sa dami ng modernong mga kagamitan sa Amerika.
Isang araw, naisipan ni Armando na magpadala ng pera sa kaniyang
kapatid sa probinsiya kaya't nagpunta siya sa PNB sa Manhattan.
"Wow!"
'ika ni Armando ng makita niya yung "lobby" ng "building" kung
nasaan
ang PNB.
"Napakaganda at modernong moderno ang 'building' na
ito," sabi
ni Armando sa sarili niya.
Nakipila si Armando sa mga sasakay sa "elevator" at nung bumukas
ang pinto, sumama si Armando sa mga nagsipasok. Hinahanap ni
Armando sa mga "buttons" sa "elevator" upang pindutin ang 8th
Floor na papunta sa PNB. Nung makita niya yung "button" na
nakalagdang "8", hindi niya napansin na isa sa mga sumakay na
kasama niya ang nakapindot na ng button na "8".
Biglang umilaw ang button na "8" habang tinitingnan niya.
"Wow!,
" sa
loob loobin ni Armando, "talaga namang napakagaling dito sa
Amerika.
Iniisip mo pa lang na pindutin yung button, e, umilaw na agad!
Tapos, nagsasalita pa yung elevator kung nasaang floor siya!. Iba
talaga
dito sa Amerika!"
Nakapagpadala na ng kaniyang remittance si Armando at nakasakay
na siya
sa isang MetroBus na pauwi sa kanila. Napansin ni Armando na may
lumalabas na usok sa napakaraming mga "manholes" at mga "drainage
holes" sa mga kalsada ng Manhattan.
Wika ni Armando sa sarili
niya,
"Napakagaling talaga dito sa Amerika. Akalain mo, pati sa ilalim
ng
kalsada ay nakakapagsiga sila!"
Napansin rin ni Armando na tuwing humihinto yung kaniyang
MetroBus, may
binibigkas na mga pangalan ang "driver" ng MetroBus. Lumakad ang
Bus,
tapos huminto. Malakas na sumigaw 'yung driver,
"ROOSEVELT!".
Apat na
pasahero ang nagtindigan, pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto
ng Bus
ay lumisan. Lumakad na naman yung Bus, tapos huminto ulit.
Malakas na
namang sumigaw yung "driver",
"KENNEDY!".
Walong pasahero ang
nagtindigan, pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto ng Bus ay
lumisan.
Lumakad na naman yung Bus, tapos huminto ulit. Malakas na namang
sumigaw yung "driver",
"GRANT!".
Isang pasahero ang tumindig,
pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto ng Bus ay lumisan. Tuloy
ang biyahe ng Bus ni Armando na parehong ganoong ganoon ang
nagaganap.
Wika ni Armando sa sarili niya, "Napakagaling talaga dito sa
Amerika.
Hindi lang alam ng driver ng bus kung saan ang mga tao nakatira,
alam
pati niya ang mga pangalan ng mga pasahero niya!"
Tuloy na naman ang biyahe ng Bus ni Armando at pareho pa ring
ganoon ang nagaganap.
Pagkaraan ng isang oras, napansin ni Armando, na wala ng ibang
pasahero
sa Bus kundi ang sarili niya. Napansin rin niya na palapit na ang
kaniyang "bus stop" ngunit mabilis pa ang takbo ng bus niya at
hindi pa
natatawag ang pangalan niya.
Nagmadaling lumapit si Armando sa "bus driver". Lumingon yung
"bus
driver" nung katabi na niya si Armando. Biglang sumigaw yung "bus
driver", "Please step behind the white line! Whaddya want?"