www.Bayani.com title
Bumalik sa Simula
 
Designed and
Hosted by:


 
 


Magpalista sa
Balitang Bayan



 
Loro

Tuwang-tuwa at parating pinagmamalaki nung Monsignor yung kaniyang alagang loro.

Wika nung Monsignor, "Itong aking loro ay hindi lang napakagaling magsalita kundi napakabanal pa! Kapag aking hinigit yung kadena sa kaniyang kaliwang paa, siya'y magsasalita ng buong dasal ng Ama Namin. Kapag akin namang hinigit yung kadena sa kaniyang kanang paa, siya'y magsasalita ng buong dasal ng Aba Ginoong Maria."

Tanong nung isang aleng nakikinig, "Monsignor, kung sabay mong hatakin yung kadena sa kaniyang magkabilang paa, ano ang kaniyang isasalita?"

Sagot nung Monsignor, "Sapagkat hindi ko pa naisipang gawin yang itinatanong mo, purbahan natin ngayon!" at sabay na hinatak nung Monsignor ang kadena sa magkabilang paa nung loro.

Biglang nagsalita yung loro... "Tangna naman, Padre, mahuhulog ako diyan sa ginagawa mo 'yan, eh!"

Galing sa email na ipinadala ni: Ariel Morales

Pindutin ITO para bumalik sa listahan.


Walang Kopyahan
�2000 Bayani.com
Ang mga laman dito ay padala o may pahintulot ng may gawa o may-ari. Bawal ang mangopya ng walang pahintulot.