Napaligiran ng 2 fighter-bomber, 5 tanke, 9 na kanyon at 35
machine guns at 200 mga sundalong naka-Armalite ang isang
bahay kubo sa liblib ng isang baryo sa probinsiya. Sa
loudspeaker, isinigaw ng Koronel ng mga sundalo,
"Kumander
Bertulfo, sumuko ka na! Hindi ka makakawala!"
Buhat sa loob ng bahay kubo, isang matapang na sagot,
"Hindi
ako susuko!"
Inulit ng Koronel, "Sumuko ka na, Kumander Bertulfo, at kung
hindi, ay
bobombahin at kakanyunin at mamasinganin at babarilin ka
namin."
Buhat sa loob ng bahay kubo, isang lalong matapang na sagot,
"Hindi ako susuko!"
Muling inulit ng Koronel, "Huling pagkakataon mong sumuko,
Kumander Bertulfo, kundi ay bobombahin at kakanyunin at
mamasinganin at babarilin ka namin."
Muli, buhat sa loob ng
bahay kubo, isang pinakamatapang na sagot, "Hindi ako
susuko!"
Sigaw nung Koronel sa kaniyang mga sundalo, "PIRE!"
Nagsimulang mag-strafe yung dalawang fighter-bombers,
nagpapaputok ang 5 tanke at 9 na kanyon, sabay-sabay
nagputukan ang 35 machine guns at ang mga Armalite ng 200
sundalo hanggang naubos ang kanilang mga bomba at bala.
Nang mahawi ang napakakapal na usok, nakita ng lahat na
halos walang natira sa bahay-kubo. Nang lapitan ng Koronel
ang naghihingalong sugatin sa gutay-gutay na bahay kubo,
kaniyang itinanong,
"Alam mo namang wala kang kalaban-laban
at napakarami naming armas. Bakit ayaw mong sumuko?"