Isang babae ang naglalakad sa may bangketa ng makita nya sa
harapan ng Pet Store ang isang loro.
"Miss ang pangit, pangit mo !", sabi ng loro sa babae.
Nagalit ang babae, ngunit pinabayaan nya na lang ang loro at
sya ay pumasok na.
Sa kanyang pag-uwi, nakita na naman nya ang loro at muli
sinabi sa kanya .. "Miss ang pangit, pangit mo talaga",
talagang naiirita na sya, pero deadma lang sya.
Nang sumunod na araw, ang loro na naman.
"Miss, talagang super pangit ka"
Sobrang inis na ng babae kaya pumasok sya sa loob ng pet
shop at sinabihan ang may-ari na kung hindi titigil ang ibon
ng kasasabi sa kanya ng pangit ay idedemanda nya ang store
at papatayin ang ibon.
Nangako naman ang may-ari na sisiguraduhin nyang hindi na
magsasalita ulit ang loro ng pangit.
Ng muling dumaan ang babae pauwi sa kanyang trabaho
tinawag sya ng loro "Psst Miss"
Sumagot sya "Bakit?"