Prinsesa
Noong unang panahon, may isang hari ng isang palasyo.
Mayroon siyang anak na prinsesa. Pero may problema.
Lahat
ng bagay na hawakan ng prinsesa ay dagling natutunaw,
mapa-bato, plastik, kahit ano natutunaw sa oras na hawakan
ng prinsesa, dahil dito siya'y iniiwasan ng mga kalalakihan
maging ng mga kababaihan.
Kumunsulta ang hari sa kanyang mga taga-payo at sa mga
salamangkero. Isa sa mga ito ang nagpayong "kung may isang
bagay na mahahawakan ang mahal na prinsesa na hindi
matutunaw, dagli siyang gagaling at magiging normal ang
takbo ng kanyang buhay...."
Nagalak ang hari. Kinabukasan ay dagling nagpasagawa ng
kumpetisyon ang hari;
"kung sinuman ang makapagdadala ng bagay na hindi matutunaw
sa kamay ng prinsesa, malaya niyang mapapakasalan ang
prinsesa at mamanahin niya ang kayamanan ng buong kaharian!"
Tatlong prinsipe ang sumali sa kumpetisyon, ang unang
prinsipe ay nagdala ng isang matigas na alloy ng titanium,
ngunit pagsayad nito sa kamay ng prinsesa ay daglian itong
natunaw. Umalis na malungkot ang prinsipe.
Ang pangalawang prinsipe ay nagdala ng isang malaking tipak
na dyamante, sa pag-aakalang ito ang pinakamatigas na bagay
sa buong mundo, ngunit pagsayad nito sa kamay ng prinsesa ay
daglian din itong natunaw. Umalis na bigo ang prinsipe.
Ang pangatlong prinsipe ay nagwikang "mahal na prinsesa,
isuksok nyo ang kamay nyo sa bulsa ng aking pantalon at
damhin nyo ang bagay na nakapaloob dito."
Sumunod ang prinsesa bagaman siya'y namula. Hinawakan niya
ang bagay sa loob ng bulsa, ito'y totoong matigas at hindi
natunaw! Nagbunyi ang buong kaharian at idinaos ang
marangyang kasalan ng prinsesa at prinsipe.
Ang tanong: Ano ang bagay na nasa loob ng bulsa?