Sulatan ng Bayan
1998

Ito ang mga naisulat noong 1998. Para makita ang mga bagong sulat, pindutin ito.
Ang mga opinyon ay hindi po dito isinusulat kundi sa Bayani.com Balitaan.


Muling bumibisita at bumabati ng isang "MANIGONG BAGONG TAON" sa sambayanang Pilipino.....MABUHAYYYY!!!!!!!!!! Pilipino pa rin, ang apo ni redhorse, RICK
RICK V. SARMIENTO <apo_ni_redhorse@usa.net>
Kalipornya, Amerika - Wednesday, December 30, 1998 at 13:42:40 (PST)
Nakakagalak na makatagpo ako ng ganitong website, kung saan ko maaaring ibuhos ang diwang Pilipino, na alam kung kapwa Pilipino ko rin ang makakahuntahan ko Nakatutuwa rin, na may mga taong nakaisip nito, kung saan nakapagbibigay kabuluhan sa bawat oras ng ating pag-iinternet. Ang bubuhay nito ay tayong mga Pilipinong nagmamalasakit sa ating pagka-Pilipino...tayo nang buhayin ang website na ito! Mabuhay ka Kabayan! Mabuhay ang bayani.com!!!
pam <july@skyinet.net>
makati, Pilipinas - Saturday, December 26, 1998 at 08:47:26 (PST)
Mahirap gisingin ang gising. Watak-watak ang mga prinsipyo at paninindigan ng mga Pilipino. Sa totoo lang, umabot lang tayo sa pamahalaang pamilya. Wala pa tayong tunay na pampbansang kaisipan. Maliban lamang sa paniniwala sa Diyos. Ngunit ito ay kulang na kulang pa. Kung hindi ito ma-re-resolba, wala tayong pag-asa lumaya.
Naninigarilyong tao <ewan@saan.com>
- Sunday, December 13, 1998 at 20:29:47 (PST)
Ang magandang gawin ng mga Pilipino muna ay turuan natin ang mga kababaihan natin na huwag mag-pakasal sa ibang dayuhan gaya ng mga Kano, Hapon o Intsik. Dahil ang mga dayuhang ito ay makikinabang sa susunod na henerasyon ng kabataan na kanilang tinuruan. Dapat malaman talaga ng Pilipino na ang kabataan ang tunay kinabukasan ng isang bansa. Alagaan natin ang ating mga anak at turuan natin. Patay na ang mga bayani natin gaya nina Rizal. Nakasalalay na sa atin ang kinabukasan ang ating bansa.
Naninigarilyong tao <itim@yehey.com>
Pilipinas - Sunday, December 13, 1998 at 20:24:19 (PST)
Anong ibig ninyong sabihing 50 na taon. Habang nasa pinas pa ang mga 'Kano, hinding hindi tayo lalaya. Gising Kabayan! Imulat ninyo ang inyong mga mata!!! Pagkatapos tayong sinakop ng mga Kastila, tayo'y ipinagbili sa mga Kano sa Tumatagingting na halaga ng $20Million kasama ng 4 na ibang bansa na naging alipin din ng Kastila. Hindi makaya ng Kastilang labanin ang mga Kano kaya tayo pinagbili!!! At kahit na wala na ang mga Kastila, sinasamba pa rin natin ang Kanilang Diyos!
Gabriela Silangan <walangemail@sawebpo.com>
- Saturday, December 12, 1998 at 12:00:04 (PST)
Sentenaryo ba talaga ang pag-laya ng Pilipinas? Noong 1898 ba talaga tayong naging malaya? Bakit, sinakop naman tayo ng mga kano pagkatapos ng mga Kastila, pagkatapos ang mga Hapon naman. At hanggang ngayon, sinasakop pa rin tayo ng mga ibang dayuhan, Arabo man o Intsik. Ang tunay na paglaya natin ay 1946, kaya dapat 50 taon lang tayo!
Laban!
- Friday, November 27, 1998 at 01:57:30 (PST)
Mabuhay! Mahusay ka, nguni't hindi ka `yung una. Meron ngang Ilocano, si Sadiri, sa http://www.geocities.com/athens/acropolis/3219. Nawa'y tingnan ninyo ang tagpuan ko tungkol sa panitik, at alalahanin niyo ring lumagda sa aking "Talaan ng mga Nagsidalaw na Magagandang Tao."
Ginoong Ramuel Mendoza Raagas <ramuel@hotmail.com>
Abenidang Katipunan, Lungsod Quezon, Pilipinas - Friday, October 09, 1998 at 11:48:15 (PDT)
Bakit ang galing galing ng mga pinoy? Ano ba ang meron sa mga genes natin na wala sa iba?
ian jagmis <docian_c@laguna.net>
laguna, - Thursday, October 01, 1998 at 23:52:36 (PDT)
Nabasa ako ang insulto ni Joan Rivers dito sa site. At isa lamang ito sa maraming pang-api na ginawa ng mga dayuhan sa atin. Sa aking palagay, kaya nasabi niya ito, nakikita at pinag-uusapan ng mga dayuhan ang mga taong nakikita nila dito sa Pilipinas. Marami na siguro silang naranasan na panlolokong ginawa sa kanila ng mga Pilipino dito...at hindi lamang sa kanila, pati sa kapwa Pilipino na rin. Sa palagay ako nag-generalize ang mga dayuhan tungkol sa 'bad cultural norms' at 'stereotyped' na ang mga Filipino sa kanila. Ano ang magagawa natin dito? Ang pinaka-importante ay dapat magka-isa na tayong mga Filipino. Hanggang ngayon ay nahahati tayo sa ating mga prinsipiyo. Ang isang tanyag na bansa ay mayroong iisang prinsipiyo, paniniwala, relihiyon at pamamahala. Pag-aralan natin ang mga 'developed countries'. Hindi sila umunlad dahil marami silang yaman at pera, ngunit sagana sila sa pagkakaisa at kultura.
Rankine <slatevortex@hotmail.com>
Quezon City, Philippines - Monday, September 28, 1998 at 20:32:18 (PDT)
LIGAYA BA ANG HANAP MO ? SA PINOY NA TAYO:-)
Ligaya <joie143@hotmail.com>
Manila, Pilipinas - Friday, September 25, 1998 at 01:49:23 (PDT)
IBA ANG PINOY .....
Ligaya <joie143@hotmail.com>
Manila, Pilipinas - Friday, September 25, 1998 at 01:47:53 (PDT)
Aako'y naliligayahan sa magandang website na sariling atin. Ipagpatuloy natin ang pagtangkilik sa ating sariling wika at kultura.
Myra Cuartero Yanesa <mcy@bigfoot.com>
Maynila, Pilipinas - Thursday, September 24, 1998 at 22:03:42 (PDT)
Super - Sa taong ito ng ating Sentenaryo, nararapat lamang na bigyang halaga natin ang ating sariling wika. Isa sa mga hakbang tungo sa adhikaing ito ay ang paglaganap ng mga website sa Internet kung saan maaaring magpahayag ng mga ideya sa wikang Pilipino. Ang paggawa mo ng bayani.com ay isang pagtugon sa adhikaing ito. Inaasahan ko na ang lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na may access sa Internet ay magkakaroon ng panahon upang bisitahin ang website na ito. Ikinalat ko na sa mga kaibigan ko and website na ito na may kasamang hiling na ikalat ito sa kanilang mga sariling kaibigan. Mabuhay ka! Mabuhay tayong lahat! (PS - Totoo lahat ng sinabi ko at hindi lang dahil kaibigan ko si Stevie!)
Pabs Mendoza <pabsm@yahoo.com>
Maynila, Pilipinas - Thursday, September 24, 1998 at 04:18:59 (PDT)
Super Perez, at sa lahat ng kinauukulan, Tulad ng sinabi sa aking unang liham, ay uulitin kong muli na maganda ,kaakit-akit,kaaya-aya, kagulat-gulat, kagalak- galak, nakaka-aliw ang makitang ganitong sistema sa "internet" lalo na kung ikaw ay nangingibang bayan. Mula dito sa Vallejo, California binabati ko kayong lahat na sanay pumanik pa sa tugatog ng tagumpay....MABUHAY!!!! kayong lahat, MABUHAY!!! tayong lahat, MABUHAY!!! ang sambayanang PILIPINO!!!!..... Ipagpatuloy at paunlarin natin ang pag-gamit ng sariling ang " ANG WIKANG PILIPINO" ........... Maraming salamat po. Pilipino pa rin, RICK
RICK V. SARMIENTO <mariomakiling@mailexcite.com>
Vallejo, California, Amerika - Sunday, September 20, 1998 at 09:07:57 (PDT)