Subject: [Bayani] Patawa
Date: Tue, 15 Jun 1999 23:39:40 +0800
From: Super Perez <super@bayani.com>
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Mga Kaibigan at Kabayan!

Mabuhay!

Sa ilang daang mga bagong sali, maraming salamat. Sana ay mapaligaya
namin kayo sa mga patawa at maasahan namin kayo sa pagpapatibay ng
ating pagiging mga Pilipino.  Alam niyo ba na ang "F"ilipino ang
tumutukoy sa wika natin habang ang "P"ilipino ang tumutukoy sa tao?
Tinuro sa akin ng isa nating kasama sa Bayani.com. Salamat Ginoong
Magtira.

Pasensiya na po kayo sa matagal na hindi kayo napadalhan ng patawa.
Bigla po akong nabigyan ng libreng pamasahe papuntang Estados Unidos.
Pagbalik ko, lagpas isang libo ang email ko at sangkatutak ang mga
kailangang gawin kaya hindi ako nakahabol agad.

Kapansin pansin ang kawalan ng disiplina natin dito sa ating bansa
(lalong lalo na sa kalsada) kaya naisipan namin na lumabas sa Internet
at buohin ang Bisig Bayani.  And unang proyekto ng Bisig Bayani ay ang
mamigay ng libreng mga "bumper sticker" na nagtataglay ng mga kataga
katulad ng "Ang hindi pumipila ang nagpapahaba ng linya" at (baka)
"Ang hindi marunong pumila ay Tanga."  May mga nagsasabi na medyo
masagwa ang pangalawa pero pinagiisipan pa.  Kung may mga suhestiyon
kayo, sumulat lamang sa amin at kung may kilala kayong mga kumpanya na
maaari naming lapitan para sa tulong tungkol sa proyektong ito, lubos
kaming magpapasalamat. Kayong mga kaibigan namin dito sa Balitang
Bayan ang unang makatatanggap ng mga "sticker" na ito bilang
pasasalamat sa inyong pagtanggkilik. Abangan na lamang po ha? (May
nakalagay na pangalan ng sponsor ang ilalim na bahagi ng sticker
kasama ng www.bayani.com.)

Dahil po marami kaming utang na patawa, hindi lang po isa ang ibibigay
namin sa inyo ngayon.  Sana po ay magustuhan ninyo. :^)

Mabuhay!

--------------------------------------

Here are some more choice bloopers from a Manila TV quiz show called
GoBingo.

Arnel: Sa anong bansa nakatira ang mga Hindu?
Contestant: Hindunesia!

Arnel: Sino ang pumatay kay David?
Contestant: Si Goliath!

Arnel: Ano'ng English sa amplaya?
Contestant: Asparagus!

Arnel: Si Superman ang lalaki. Sino ang babae?
Contestant: Darna!

Arnel: Ano ang isinusuot ng taong walang buhok?
Contestant: Kalbo!

Arnel: Ano ang kasunod ng kidlat?
Contestant: Sunog!

Arnel: Para saan ang anti-dandruff shampoo?
Contestant: Kuto!

Arnel: Kung manicure sa kamay, ano ang sa paa?
Contestant: Kuko!

Arnel: Piloto sa eroplano. Ano ang sa kalesa?
Contestant: Kabayo!

MORE! MORE! MORE Winning bloopers! ...

Arnel: Ano ang nasa gitna ng donut?
Contestant: Palaman.

Arnel: What is the capital of the Philippines?
Contestant: Letter "P".

Arnel: Ilan ang mata ng taong tulog?
Contestant: Wala.

Arnel: Ilang minuto ang 120 seconds?
Contestant: Twelve.

Arnel: True or false. Lahat ba ng oras ay may alas?
Contestant: True.

Arnel: Merong 4 na seasons - spring, fall, winter, summer. Kailan
nahuhulog ang mga dahon?
Contestant: Sa storm?

Arnel: ano'ng apple ang nasa leeg ?
Contestant : Apolinario Mabini

           Galing sa email na ipinadala ni: Francis Marcelino
(Puwede na muna ito, Binibing De Castro, habang wala pa akong mahanap
na battle of the brainless. :^)

-------------------------------

Habang nagsusulat si Angel sa isang opisina, biglang nag-ring ang
telepono.

ANGEL: Boosss, nasa telepono po ang anak ninyo. Gusto raw kayong
halikan.

BOSS: Ikaw na lang muna ang magpahalik. Kukunin ko na lang sa iyo
mamaya.

             Galing sa email na ipinadala ni: Boy Kindat

--------------------------

May kano na bumisita ulit sa Pinas. Sumakay sa taksi at nagyabang.

KANO: "How many months did it take to make that Cultural Center
Building?"

TAXI DRIVER: "Taon po ang binilang diyan bago natapos."

KANO: "What?! We can make a building that big in the States in months.
How about the Folk Arts, how long did it take to build it?"

DRIVER: "Mga 9 months po."

KANO:"Mabagal. It just takes us about 4 months for that."

Nananahimik na yung driver nang nagtanong ulit yung Kano.

KANO: "That Galleria, how long did it take?"

DRIVER: "Galleria? Bago lang siguro yan. Wala pa yan nang dumaan ako
kahapon e."

Hindi na nagtanong ulit ang Kano.

             Galing sa email na ipinadala ni: Boy Kindat

----------------------

Sa paaralan ni Boy Bastos:

Guro: Children, Nagawa niyo ba yung inyong mga assignment?

Mga Bata: OPO!!

Guro: O sige, ... Petra, bigyan mo ako ng ball na may buhok.

Petra: Mam, tennis ball po.

Guro: Very good! Pedro ikaw naman.

Pedro: Maam, wala na po yata e.

Boy Bastos: Mam! Mam! Meron pa!!

Guro: O sige Boy, ano pang ball ang may buhok?

Boy Bastos: Billiard Ball po, Mam!

Guro: Wala namang buhok ang Billiard Ball a?

Boy Bastos: Mam meron! Billiard pakita mo nga!

             Galing sa email na ipinadala ni: Boy Kindat

===============

Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa
[Mga patawa lang po.  Wala po sanang mapikon.]

      \\ | //
       (o o)            http://www.Bayani.com
---oOOo-(_)-oOOo--------------------------------

Para sumali, magpadala lamang ng sulat sa sulat@bayani.com o pumunta
sa website. Mas marami pang mga patawa sa http://www.bayani.com/patawa
Sana ay huwag tanggalin ang mga sulat na ito pag-ipapadala sa kaibigan
para makasali rin sila.

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://www.bayani.com/balitaan - Balitaan sa Bayani.com
http://www.bayani.com/kuta - Kuta ng mga Katipunero
http://www.bayani.com/aklatan - Aklatan ng Bayani.com
http://www.bayani.com/patawa - Patawang Pinoy
http://www.philshopping.com - Tiangge sa Internet