Subject: Bayani.com Balita #72 Date: 07 Dec 00 12:00:12 +-0800 From: "Bayani.com"<sulat@bayani.com> To: "Listahan@Bayani.com"@apollo.ezbee.com Kaibigan, Mabuhay! Rally ngayon! Sana sumali kayo. May pagsusulit kami kaya hindi kami makasama. Yung lilbreng email sa http://girl.ph at http://beer.ph. Website hosting ko po ay nasa http://webworksco.com Sana umunlad na ang Pilipinas sa pag-alis ni Erap sa Gobyerno. Eto na ang katatawanan. Salamat sa mga nagpadala ng mga patawa at sulat! =============== Naalala nyo ba nung ... 1. piso lang ang pamasahe (ngayo'y 3.00 na) 2. ang babae lang ang may hikaw 3. ang preso lang ang may tattoo 4. kilala mo ang lahat ng myembro ng Voltes V 5. pinagtatawanan ang itim na rubbershoes at mahahabang shorts 6. pinalayas ng mga Pinoy ang mga Marcos (pero ngayo'y pinabalik uli sa pwesto) 7. kala mo'y magkakatuluyan sina Ate Sienna at Kuya Bodjie ng Batibot 8. si Erap ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa 9. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud 10. FACES ang in na gimikan 11. SM City ang pinakamagandang mall sa bansa 12. piso lang ang isang basong taho 13. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho 14. tarzan, jojo, at tootsie roll at texas ang pinaggagastusan mo ng mga beinte singko mo 15. trianggulo pa ang sunkist tetrapak (de hindi na tetrapak yon) 16. nagkakakalyo ka dahil type writer pa ang ginagamit mo para sa mga school papers mo 17. kaya uso pa ang carbon paper 18. at liquid paper 19. VETO ang iyong deodorant o kaya MUM (kaya lumalakas ang loob mong maging MUMyayakap) 20. at tancho gel ang pang-ayos mo ng buhok 21. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin bago matulog 22. nanliligaw pa lamang si Brod Pete kay Shirley sa John and Marsha 23. sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon noon 24. nakakapag-grocery ka na 100 piso lang ang dala 25. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo 26. at hirap na hirap kang tumawag mula sa public phone kasi limang dyis ang kailangan mong hagilapin 27. sosyal si pareng Mon kasi naka-cell phone siya, ngunit hanggang kotse lang yon kasi mabigat bitbitin 28. hinihingi mo yung computer cards (yung butas-butas) ni daddy mula opisina niya para gumawa ng saranggola para sa iyong school project 29. pag narinig mo ang Every Breath You Take, si Sting at si Sting lang ang pumapasok sa utak mo 30. si Helen Vela ang naririnig mo pag binuksan mo ang radyo mo sa OK 101 31. dalawang piso lang ang songhits 32. iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski kasi kuwarenta anyos na siya 33. pango pa si Vilma 34. kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita 35. 25 sentimos lang ang baon mo sa iskwela, eh, happy ka na 36. 10 sentimos lang ang sarsi (sobrang tagal na 'yon ha!) 37. Oras ng Ligaya ang pinagkakaguluhan ng lahat 38. pagdating ng alas-sais, ready na yung tubig mo para mag-toning 39. ang kapal ng pamada mo sa buhok para alalayan yung singko mong pinagpipilitang i-shoot sa maliit na garapa sa loob ng boteng may tubig 40.lagi kang nababalagoong sa tumbang preso 41. napakamura pa ng ubas at kastanyas 42. Milo at Ovaltine lang ang chocolate drink na iniinom mo, cocoa para sa mas matatanda 43. Nutribun pa ang baon mo sa eskwela 44. tex, jolen, patintero, tantsing, sipa, taguan, agawan base at syato lang ang sports na nilalaro mo 45. bitin at baston pa ang pantalon mo. 46. si Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, Coney Reyes, Helen Vela, sama mo na si Malu Maglutac, JQ (Joe Quirino) at Ariel Ureta ang mga paborito mong tv host. 47. Top Sider, Robertson, Bla-bla, Haruta ang sapatos na pangarap mong bilin. 48. may dala-dala ka pang linoleum pag naglalakad ka sa kalye baka kasi may maka showdown ka ng break dancing. 49. Strut at Punk ang gusto mong sayawin bukod sa break dance. 50. napaka itim pa ni ate guy nun 51. gagamba ang paboritong mong pet. 52. Analisa at Flor de Luna lang ang pinanonood mo, ngayon Rosalinda na. 53. Khumbmella, Blazing Product, or attache case ang gamit mong bag sa school. 54. naka plastik na may straw lang ang binibili mong tag 75 sentimos, na melon, sago at gulaman. Wala pang plastik cups n'on. 55. pusa pa ang nilalagay ng iba sa siopao 56. hopiang munngo at hopiang baboy na may kasamang Pop o Sarsi ang meryenda mo. 57. sosyal ka pag umiinom ng Sarsi with egg. 58. may mabibili ka pa sa singko sentimos mo at may mamera pa n'on (1 cent) Padala ni Lydia Rodriguez =============== Alagaan ang inyong mata. Magpatingin sa Perez optical ( http://www.perezoptical.com). Hanapin sa site ang discount coupon. =============== SA EROPLANO: ERAP: tapon ko 100 pesos, 100 tao sasaya! JINGGOY: tapon ko 1000 pesos, 1000 tao sasaya! PILOT: tapon ko kayong dalawa, lahat ng tao sasaya! (Iporward mo para maraming tao sasaya....) +++ SPEECH NI ERAP: Ngayon wala na tayong problema sa KUMUNISMO tulad ng panahon ni Marcos. Wala na rin tayong problema sa IMPERYALISMPO. Ang problema na lang as AKONAMISMO. +++ (This joke came out after Luzon went on a total black out.) JUDGE: Bakit mo nasabing may kinalaman si Erap sa brown out? ERNIE BARON: Kasi kapag walang knowledge, walang power! +++ NEWS FLASH: Batman is looking for Erap. According to Batman, it's because Erap walks like a penquin and thinks like a Joker. +++ NEWS FLASH: There was an assassination plot against Erap but failed. A .45 caliber hit the center of Erap's head but he survived because no brain that was hit. Galing kay Dariel Q. =============== Domain name registration and virtual servers at http://WebWorksCo.com =============== Erap flirting with Imelda Marcos: Erap: Heard your husband had a very small penis. Why don't you try mine, it's big. Imelda: No thanks, small as it was, it was much bigger than your brain. Galing kay AVC SA WELGA: taga-UP: Patalsikin si ERAP! taga-UST: ERAP Resign! taga-La Salle: ERAP Oust! taga-PUP: Layas ERAP! taga-AMA: Eeeee.....Jolina! Jolina kami! Ang cute-cute nya. Galing kay Martina Robles =============== Gusto niyo mag-shopping? Magpunta sa http://1hunt.com. =============== Pinilit niya ako! Sabi niya, hindi masakit. Ibuka ko raw, ibinuka ko naman. Ipinasok niya, masakit! Binunot niya, may dugo! Tarantadong dentista 'yon! Hindi na ako babalik sa kanya. +++ Titikman ko ang naiiba mong sarap! Hihigupin ko ang mainit at malinamnam mong katas. Ahhh. Susundutin ko ang malambot mong laman! Ang sarap talaga ng bulalo! +++ Sometimes you just smile to cover up the pain. Sometimes you intend to laugh to cover up the hurt. But whether you smile or laugh you can never hide what you really feel inside. E - DIATABS mo 'yan! +++ Nasa eroplano ka na babagsak at kailangan mong ihulog ang cell phone mo o ang syota mo? Ano ang gagawin mo? Magpakatotoo ka, Brother! Sagipin mo ang cell phone mo at ihulog mo ang syota mo sabay sigaw ng 'Text na lang kita mahal!' +++ Maganda raw kung CANADIAN ang maasawa mo kasi puwede mo nang sabihin............... Maglaba cana-dian; magluto cana-dian, mag- plantsa cana-dian at higit sa lahat, maghubad cana-dian. +++ Q: Ano ang sabon ng mga virgin? A: Tender care Q: Eh ang sabon ng mahilig mag-mastur....e? A: Camay Q: Eh ang sabon ng palagamit ng condom? A: Safeguard Q: Eh ang sabon ng call girl? A: Dial +++ ARAB: I have four sons, one more and i'll have a basketball team KANO: I have 9 sons, one more and i'll have a football team ERAP: I have 17 wives, one more and i'll have a golf course, 18 HOLES!!!! +++ Breaking News: Former Presidential Spokesman Fernando Barican's dual citizenship has just been confirmed. He is half-Filipino ... and half-Filipina! +++ DID YOU KNOW THAT BROD MIKE VELARDE KICKED OUT ALL D GAYS FROM EL SHADDAI? THEY GOT MAD AND FORMED THEIR OWN "DIOSKODAI" +++ I saw a big Pokemon stuff toy in Toy Kingdom. Bibilhin ko sana kaso tinarayan ako ng sales lady. Ewan ko ba, sabi ko lang naman "Miss, patingin ng Pokemong malaki." +++ Q:Ano ang pinaka ayaw ng babae sa lalaki? A:pagtitiwala - mantakin mo naman, pag- titi- wala? ano pa ang saysay ng buhay. +++ Ibuka mo, ano ba? 'Yoko, hirap, eh. Ano ba...sige na...basam-basa na 'ko. Ikaw na, tigas naman nito...sige na, ibuka mo na. O ayan, nakabuka na...lecheng payong 'to, hirap ibuka! +++ For beginner's only: Step 1-Hawakan, 2-Himasin, 3-Dilaan, 4-Itusok 5-Ipasok, 6-Ibaon, 7-Hugutin, ...Repeat! Sige, mag CROSS STITCH ka na. Ikaw talaga, anong iniisip mo... Galing kay Lydia Rodriguez Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://web.ph - Pinoy portal http://1hunt.com - International Mall http://philshopping.com - Philippine Online Mall http://webworksco.com - Web Works website design, site hosting, domain registration and internet consultancy mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - mga medyo bastos na patawa mailto:bayani-subscribe@egroups.com - makilahok sa usapang bayan