Subject: Bayani.com Balita #71 Date: 25 Nov 00 10:00:37 +-0800 From: "Bayani.com"<super@bayani.com> To: "Listahan ng Bayani.com"@apollo.ezbee.com Kaibigan, Mabuhay! Marami na ang nangyari nang huli akong nakapagpalabas nito. Maraming pagsubok at balakid ang ating pinagdaanan bilang isang lahi at kahit na mag-isa. May mga sama ng loob at paghihirap pero sige pa rin ang ating gawain sa araw araw. Tigas ng Pinoy! Dahil matagal akong hindi nakapagbigay sa inyo ng konting tuwa, may regalo po ako sa inyong lahat. Kayo po ang una kong bibigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng @girl.ph o @beer.ph na email address. Web-based po ito, parang hotmail o yahoo. Hindi pa binubuksan ang website na mga ito kaya talagang espesyal ang aginaldo ko sa inyo. Pang pasko na po yan ha. Para makakuha ng email address na mga ito, magpunta sa http://girl.ph o http://beer.ph at hanapin sa bandang ibaba at kanan ang tuldok na may guhit sa ilalim at pindutin ito. Pagkatapos, pindutin yung sign up now para makakuha ng inyongpangalan@girl.ph o tomador@beer.ph na email address. Sa unang pahina ng bayani.com ay ang isang litrato na ipininta ni Ginoong Floro Dery. Ang pangalan nito ay Hope. Natuwa po ako sapagkat nakuha niyang mailabas ang isang bagay na nasa ating lahat bilang mga Filipino. Ngayong may crisis ating lupang sinilangan, kailangang kailangan nating panatiliin ang pag-asa sa ating puso habang nagsusumikap na ayusin ang ating bansa. Itaas ang bandera ng mga Filipino! Bago ako kumanta ng Lupang Hinirang at Bayan Ko, eto na ang inaantay ninyo. =============== Kung gusto ninyo ng website domain na tulad ng girl.ph o web.ph, basta .ph, punta lang sa http://webworksco.com. =============== Dear Jude, Kumusta ka na? Sana nasa mabuti kang kalagayan dyan sa Boston, Amerika.. Kumusta ba ang eleksyon sa states.? Balita ko dalawa daw ang presidente dyan ngayon.. Nagkausap nga kami ni Pres. Bill kahapon, sabi nya masyado raw talagang close ang eleksyon dahil sa Florida. Sabi ko di gawin dyang presidente ng US si Bush tapos si Gore gawin nyang presidente ng Florida. Dito nga sa atin, halos ayaw ng tao ng presidente tapos sila gusto nila marami. Natawa na naman sya sa akin. Oks talaga ang sense of humor nyan ni Clinton. Nung nag-uusap nga kami sabi nya "hold-on" at may other incoming call sya. Medyo tatlong oras din akong naghintay tapos, pinakausap niya ako sa personal driver nya. Hanep yon , ang galeng mag-ingles. Ang tagal din naming nag-kwentuhan ah! Nabili ko na nga pala yung English-Tagalog Dictionary na hinihingi mo. Hindi ako makalabas kaya sa Internet na lang namin binili. May isang shop sa NewYork na nakita namin , binili ko na agad kasi libre ang shipping. Pina-deliver ko sa San Juan para sulit. Isi-ship na lang namin dyan sa Boston. Mali nga yung desisyon ko eh. Dapat sa California ko na lang pina-deliver dahil anduon yung Tito mo. Sini-singil tuloy kami ng post office ng mahal kaya inutusan ko si Executive Secretary Zamora na I-email na lang yung dictionary para wala ng shipping charges. Last week pa sila bising-bisi kata-type sa kompyuter , siguro next week matatanggap mo na. Pupunta pala dyan si Atong para mag-bakasyon this Friday, pinadala ko yung laser printer natin baka sakali gusto mong i-print yung dictionary. Magulo ngayon dito. Ang daming rally. Halos araw-araw. Nalilito na nga ako kung saan ako pupunta. Kahapon dahil medyo lasing pa kami ni Atong, napunta kami sa Edsa rally. Buti na lang nung nasa gitna na kami na-alala ko na sa Luneta pala yung pro-erap rally. Gumimik na lang kami. Sabi ko si Willie Nepomuceno ako at minimimik ko si Erap. Lusot na sana kaya lang gago itong si Atong! Sabi si Laarni Enriquez daw siya . Nabugbog tuloy. Pag-nalaman ng mama mo yan baka magtampo na naman sa akin. Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nila sa akin. Sabi nila bumbagsak daw yung peso eh hindi naman. Tumataas nga lalo. Yung stocks mas favorable pa nga sa mga mahihirap dahil mehyo affordable na yung prices dahil bumababa. Ayaw pa nila nuon.? Iyung pera ng Juweteng na binigay ni Chavit sa akin , sinabi ko nang bribe 'yon ni Chavit na hindi ko tinanggap. Nabigla nga ako ng sabihin nila na may 200M duon sa account ng foundation ko. Ang paliwanag naman ni Atty Ed Serapio kaya hindi namin napansin na may pera dahil nauna yung deposit bago pa na-istablish yung foundation. Sabi niya nung April 1999 pa dumating yung pera tapos yung foundation last week lang tinayo kaya yung pera na-hold sa bangko at hindi nag-reflect sa account . Kaya hindi ko alam na may pera until recently.. Nung malaman ko nga sabi ko kay Ed isauli kay Chavit para may ebidensya kami laban sa kanya. Matagal ko nang alam na Jueteng lord yang si Chavit eh! Wala lang kaming ebidensya. So ang order ko, isauli yung pera kay Chavit tapos hulihin sya sa akto habang tinatanggap yung pera. Ngayon sino ang tumatanggap ng bribe? Lusot ako dyan! Nanuod pala kami ni Jinggoy ng Miss Saigon kagabi sa Folk Arts Theater. Hanep ang pa-effects. Si Leah Salonga pala eh pinoy. Akala ko Vietnamese sya eh. Natawa tuloy si Jinggoy. Hindi naman daw si Leah yung Kim kagabi kundi si Monique Wilson. Amerkana daw 'yon. Buti na lang dumating si JV at sinabi sa amin na sa CCP yung Miss Saigon show at hindi sa Folk Arts theater. Kundi malamang nag-away pa kami ni Jinggoy. Bumalik na nga pala yung Mommy mo sa Malacanang. Nagtampo pala talaga sa akin dahil puro na lang daw si Laarni ang binibilhan ko ng mga bagong bahay. Ang sabi ko naman sa kanya, maliit lang ang sweldo ko as President kaya hindi ko sya mabilhan ng bagong bahay. Yung ginastos ko kay Larrni eh yun yong mga napanalunan ko sa mahjong. Tapos nagtampo rin sya kay Jinggoy dahil nung huling umuwi sya , eh ambulansya ng San Juan ang sumundo sa kanya at saka Fire Trucks. Ang paliwanag ni Jinggoy, para daw hindi mahalata na nangungurakot kami. Kung Lexus or MB nga naman medyo obvious. At least pag si Laarni o kaya si Guia, hindi sila First lady kaya hindi halata. Bilib talaga ako sa reasoning ng big brother mo. Pang- senado talaga! Kumusta ka daw sabi ni Jackie. Ayos daw ba ang operasyon mo? Yung tumor mo sa ulo eh hindi naman serious dahil malayo daw sa utak. Sabi nga ng duktor, manang-mana ka daw sa akin . Like Father, like son. Kaya don't worry. Justice will prevail! 'Yan na nga lang ang pagkaka -lamang ko kay Ninoy Aquino. Kung katulad ko sya, di sana buhay pa sya nung binaril siya sa ulo. Na-aprubahan na ang impeachment case ko kahapon ng Kongreso. Di ba sabi ko madaliin nila. Iyon minadali nga! Mga bwiset na Tongressman ! Ngayon nasa Senate na ang kaso. Gusto ko ngang mag-resign para hindi matuloy yung hearing kaya lang bad trip. Mag-babakasyon pa naman kami dyan. Sabi naman ng mga advisers ko eh malamang ma-abswelto ako kung mag-ki-claim akong insanity. Lusot na naman!. Pinag-susuot nila ko ng attire ni Bentot for the hearings. Ang sabi ko baka mahalata ang acting ko dahil patay na si Bentot. So nag-suggest ako na mas believable kung si Jinggoy na lang ang gayahin ko .. Eh comedian di naman yun eh, kamukha ko pa!. Si Ninang Imelda mo nga pala ay naimbitahan kami itong last weekend lang to visit Ilocos Norte. Katabi lang pala iyun ng Ilocos Sur?. Anyway, dinalaw namin yung musoleo ni apo Makoy sa Batac. Masyadong malamig pala duon sa loob. Machong-macho pa rin si apo. Ano kayang hitsura niya kung ki-nremate sya? Na-alala ko naman yung isang barkada ko na nalunod sa Whiskey na halos isang linggo din nag-apoy yung katawan bago naging abo nung ki-niremate. ha ha! Kidding aside, maganda ang pagka-ritoke kay apo. Isang pisi na lang sa bumbunan mukha na syang kandila . Shh.. hwag kang maingay sa Ninang mo hah. Oy may bagong tsismis ako. Si Aga at si Harlene ikakasal na. Nabigla nga si Herbert Bautista ng sabihin ko sa kanya. Si JV may bagong pino-pormahan. Ayaw sabihin sa akin nung una pero ng nag-promise ako na hindi ko sasabihin kahit kanino, sinabi nya na rin. Kaya pasensya ka na Jude kung ayaw ipasabi ni JV na sila na ni Kris Aquino. Secret talaga eh! I need to honor my words to JV. Hanggang dito na lang at masyado nang mahaba itong sulat. I-I-email ko nga lang sana sa 'yo kaya lang hindi ko ma-I-print. Na-ibalot na kasi ni Atong 'yung printer para dalhin dyan. Padalhan mo ako ng white wine hah! Yung kulay puti. Love, Dad. P.S. Padadalhan sana kita ng pera dyan kaya lang wala akong cash. Yung credit card ko na lang ang nilakip ko dito sa letter. Itawag mo sa kin pag kailangan ng signature at ifa-fax ko sa 'yo. Padala ni Kapitan Kidlat =============== Alagaan ang inyong mata. Magpatingin sa Perez optical ( http://www.perezoptical.com). Hanapin sa site ang discount coupon. =============== Tondo, Manila May 16, 1957 Dearest Pal. Hello! How's life going on there. I hope that you are in good health upon receiving my letter or may be you got suspened "coz" you did not expect that you can receive a letter from me. But before the world prolong into a line may I ask first you a gretest apology if ever I disturb you rest and relaxation expecially that when you are in concentration of you studying. And at the same time Pal, I greet you pleasant hello. I hope you can enjoing your life there. Pal, maybe you ask to yourself there if were came I know your name. By the pal, I found your name from column of song hit. And then I decide to make this letter for the reason that I want also a friend in other places so dont think any malice here my lettter okey!. But before I go to further may I introduce first my simple personality to you. Well....... beginning for the love of my parent they got a boy and have a name. My name is Joseph Marcelo Ejercito a fourth year high school student in Manila. Joseph for short. I'm 20 years old now. My heaight is 5'8" tall and 140 lbs. My birthday is coming every 19 of April 1937. Fair complexion under the zodiac sign of Aries . I'm a pure Filipino with little Chinesse blood. My mother is at home while my father is working as a golddigger.. He's digging golds at the mines. My hobbies is playing ball games reading komiks books, participating in school activities., and of course acting. I also like to listen to folk songs of Perry Como, Pat Boone, Everly Brothers and the Platters. I hate listening to instrumental music because they are always defective. I cant hear the voice of the songer. As for my school, I think my school likes me alot. They dont want me to go after 8 years. They told me others could get post graduate degrees after college , they said I can do it here in high school. I only need two more years to complete my Algebra. My families were so happy for me..my father almost suffered a heart attack eveytime I showed him my report cards. Doesn't you think I'm good too?. My teacher also liked me . whenever she needed something done, she will called me. Like cleaning the board, scrubbing the floor and manning the garbage can. I'm also responsible in drawing conclusion to our laboratory experiments. Last time during our chemistrty class, when we are mixing different chemicals together and she wanted me to taste the result. I concluded that the solution is little bit deadly because I got hospitalized. They agreed. At the hospital, the lady doctor said that some of my brain cells got burned. I totally disagree with him because I know I didnt set my head on fire nor eat any lighted match. I only drank an acid solution. She laughed at me and told me I was funny. I think her name was Dr. Eloisa. She's cute. I think I finish also introducing my self to you and may be time is enough already for you to know who I am . Maybe this will be enough for you to guess myself, from now on you can describe my self in your imagination. Anyway Pal, I 'd like you answer me. Maybe you can send also your personal datas. Please I need you reply!!! I'm sorry for the handwriting, I have speech impediment eh. Regards to your family circle and especially to you. Take all necessary precautions. Your new friends, Just call me Erap. Padala ni Kapitan Kidlat =============== Domain name registration and virtual servers at http://WebWorksCo.com =============== Describe Erap: Lasenggo, sugarol, mataba, tamad, magnanakaw, bobo, babaero, sakang maglakad, hoodlum, mayabang, utak ipis. Describe Jinggoy: Just add pangit. +++ Erap: Before the end of my term, I guarantee that the dollar-peso exchange rate will be one to one...... One dollar is to one kilo of peso. +++ Q: Bakit ayaw mag resign ni Erap? A: Kasi hindi niya alam kung kanino iaadress ang resignation letter niya. +++ As a boy, Erap went to school everyday with his dog. But later they had to separate and Erap went to school alone. Why? Coz the dog graduated. +++ Q: Bakit palaging galit si Miriam pag nagtatanong sa senate hearing? A: Dahil kulang sa dilig. Ang init ng katawan ay inilalabas na lang sa galit. +++ News Flash #1: Erap orders PAGCOR to stop operations starting today (20 Oct). Pero naisulat ng engot sa memo ay NAPOCOR kaya eto Blackout! +++ News Flash #2: Puno confirmed that Erap is going to resign as President. Yes, it was confirmed by Rico Puno that Erap will resign as President of the Nora Aunor's Fans Club. +++ News Flash #3: Please watch tonight on TV: Dong Puno LIED! +++ News Flash #4: Vatican warned Sin that he will go to hell while Erap will go to heaven coz when Sin talks, people sleep. But when Erap talks the entire nation prays. +++ Similarity of Marcos and Erap: Both have AIDS: Marcos' AIDS: Acquired Income Deposited in Switzerland Erap's AIDS: Acquired Income Delivered by Singson. +++ Jinggoy and Erap in a museum. (Jinggoy looking at a mummy) Jinggoy: Dad, what's the meaning of 1232 B.C.? Erap: Anak, iyan ang plate number ng nakabangga sa kanya. +++ Meanings of ERAP: Erap Resign Para Angat ang Pinoy Erap Resign Awa ka sa Pilipinas Erap Resign Ala ng kaming Pasensiya Erap Resign Ayaw namin ng Palpak +++ Erap Wives: LOI: Lady Often Insulted GUIA: Girl Using Intimacy for Advantage AARNI: Lamang sa Ari-Arian kaya No Imik +++ Q: If Loi is First Lady, ano naman si Guia? A: Lady in jueteng. Q: Ano naman si Jinggoy? A: Anak ng jueteng. Q: Ano naman si Gloria Macapagal-Arroyo? A: Jueteng and hoping. +++ Q: Sino ang mas magaling, ang mga La Sallista o ang mga Atenista? A: Ang La Sallista Expedition lang ang ninanakaw, ang Atenista P20M kada buwan. +++ Di na kayo naawa kay Erap. Di na kayo nahiya. Wala na kayong nakitang lokohin kungdi siya. Di ba ninyo alam na hulog siya ng langit? Una nga lang ang ulo kaya tanga. +++ Aiza - IQ - 135 - Promil user till age 5 Ryan - IQ - 140 - Promil user till age 7 Jinggoy - IQ unstable, Promil overdose Erap - Low IQ, Promil user till now. Still no progress. +++ Erap in different languages: Japanese: Haritanga Chinese: Tataijueteng Arabian: Ali Bobo African: Akimpa Yola German: Dapat Ousten French: Vo vou Indian: Talsikh Nhatin Learn more Japanese: You are a liar: Dongpunokane? Masyado kang sipsip: Miriamkane? Lasengo, sugarol, mataba, magnanakaw, bobo, etc.: Erapkane? +++ Q: Ano ang pagkakaiba ni Hudas at ni Erap? A: Si Hudas minabuting magbigti dahil sa pagkakamali. Si Erap minabuting manatili dahil sa salapi. +++ Jude: Di totoong jueteng lord ang Papa ko! Mabuti siyang tao. Di siya sugarol at lalong di babaero. Please lang, tigilan nyo na ang Papa ko. Inosente talaga si Dranreb. +++ Satan appeared to Erap. Satan: I have a proposal. You will finish your term but in return I want your soul. Erap: Teka muna, what's the catch? +++ Loi: Mahal, Ikinuha kita ng insurance. Erap: Anong klase, life insurance? Loi: Fire insurance, dahil doon ang punta mo pag namatay ka. +++ Q: Ano ang special feature ng cell phone ni Erap? A: Meron itong "Call Jueteng." +++ La Salle: Ang mga graduates namin Congressmen! UP: Ang mga graduates namin Senador! Ateneo: Ang kick out pa lang namin Presidente na, at pinaka bobo pa namin iyan! +++ Madam Auring' Text Forecast: Good news: Erap will resign. Bad news: Jinggoy will become President. Worst news: Jude will become First Lady. Padala ni Ariel Morales =============== Gusto niyo mag-shopping? Magpunta sa http://1hunt.com. =============== Q: Bakit lahat ng anak ni Erap ay sa letter J nagsisimula ang pangalan? A: Kasi lahat sila'y anak ng ...... jueteng. +++ Q: How does Erap say "F*** You All" to the Filipino people in Tagalog? A: Malinis ang aking konsensiya . . . +++ Payo daw ni Bro. Mike kay Erap - "Magsisi ka." Ang ginawa ni Erap. Sinisi niya si Ramos, sinisi niya si Almonte, sinisi niya si Cory, sinisi niya si GMA, etc. +++ Q: If you were in an island with Atong Ang, Chavit Singson and Erap and you have a gun with only two bullets , what would you do? A: Shoot Erap twice. Galing kay Roland R. Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://web.ph - Pinoy portal http://1hunt.com - International Mall http://philshopping.com - Philippine Online Mall http://webworksco.com - Web Works website design, site hosting, domain registration and internet consultancy mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - mga medyo bastos na patawa mailto:bayani-subscribe@egroups.com - makilahok sa usapang bayan