Subject: Bayani.com Balita #68 Date: 19 Aug 00 17:41:40 +-0800 From: "Bayani.com" <sulat@bayani.com> To: "Kaibigan ng Bayani.com" <super@bayani.com> Kaibigang Super, Mabuhay! Malapit na tayong umabot sa 3000 na miyembro sa listahan ng mga tumatanggap ng Bayani.com Balita. Tulong naman po sa pagkuha ng ilang natitira para umabot tayo doon. Bakit kamo? Wala naman, nakatutuwa lang isipin na marami na tayo dito at kung magkapera ako, puwede akong magtawag ng party at marami ang pupunta. May mga bagong sanaysay at kuwento sa Bayani.com Kuta ( http://bayani.com/kuta). May tungkol sa mga bayani noong panahon ng giyera (Where (blue) eagles dared to tread) at may pinadalang sanaysay tungkol sa pagantay. Bumisita po sana kayo. Salamat sa mga sumulat at nag-text. Nakagagaan po kayo ng damdamit at nakalimot ko ng bahagya ang aking mga prublema. Kasali na doon yung isang peste na nagngangalang R.Balboa na binastos yung guestbook. Buti na lang may nagsabi at simple namang palitan ang file. Kung natanggap ninyo ito, hinding hindi na kayo kailangang magpalista pa ulit. Dalawa ang backup ng listahang ito kaya please lang, huwag na kayong magpalista pa ulit. Hindi ko kayo kakalimutan :^) Ay oo nga pala, kung nais ninyo ng inyong sariling domain name gaya ng www.Super.ph ko, sulatan niyo lang po ako o di kaya ay bumisita sa www.WebWorksCo.com. Mura lang. :^) Eto na ang rasyon ninyo ng patawa. =============== "Mabuti pang maghiwalay na tayo, nagdududa na ang mister mo," umpisa ng dentista sa kabit niyang pasyenteng babae. "Bakit? Nagmamahalan naman tayo, di ba?" "Oo nga, kaso ubos na tayo ng alibi. Iisang ngipin na lang ang natitira sa bibig mo," paliwanag ng dentista. ++++ Apat na nurse ang nag-uusap tungkol sa isang mayabang na doktor at napagplanuhan nilang paglaruan ito. Gumawa ng paraan ang apat para makaganti sa doktor at nagkita sila kinabukasan para pag-usapan ang mga ginawa nila. "Sinaksakan ko ng bulak ang stethoscope niya para wala siyang marinig," tawang-tawang kinuwento ng unang nurse sa tatlo. "Inalis kong lahat ang mercury sa mga thermometer niya at pininturahan kong lahat ito para mag-mukhang 106 degrees palagi ang basa niya," kuwento naman ng ikalawang nurse. "Mas grabe ang ginawa ko, inaspili kong lahat ang balot ng condom sa kanyang desk para butas lahat ang gagamitin niya," kuwento ng pangatlo. Hinimatay ang pang-apat. ++++ Naglalakad sa pasilyo ang ospital ang doktor nang bigla niyang makasalubong ang isa niyang pasyenteng sumisigaw at tumatakbo sa takot habang hinahabol naman ng isang nurse na may hawak na kumukulong tubig. Sumigaw ang doktor. "Nurse! Ang sabi ko, 'prick his boil', tusukin mo ang pigsa niya, hindi 'boil his prick!" ++++ May isang babaeng nakahiga na sa isang operating table sa pasilyo at naghihintay na lang na operahan. May isang nakaputing lalaki ang lumapit sa kanya, inangat ang kumot at sinilip ang katawan nitong hubad. Pagkatapos nitong tingang nang matagal ang hubad na katawan ng babae, umalis na ito. Limang minuto ang nakaraan, ang mamang nakaputi ay bumalik at muling inangat ang kumot at sinilip ang hubad na katawan. Pagkatapos ay umalis na ito. Makaraan ang ilang minuto, muli na namang bumalik ang mamang nakaputi at muling sumilip sa loob ng kumot. "Dok, kelan ba ako ooperahan?" tanong ng babae. "Hindi ko po alam, pintor lang ako rito," sagot ng mamang nakaputi. Padala ni Melodramatic fool =============== Alagaan ang inyong mata. Magpatingin sa Perez optical ( http://www.perezoptical.com). Hanapin sa site ang discount coupon. =============== Ano ang animal na di sigurado? Eh di BAKA. Ano naman and laging napuputol? Eh di CAT. E, ano naman ang palaging ayos? Eh, di OX. Paano naman ang pangit? Eh di I-COW! ++++ Intsik patay punta heaven, asks St. Peter: "Ano dyan sa kabila?" St. Peter: "Wala, impyerno. Super init!!" Intsik: "Lipat ako dun." St. Peter: "Ha? Bakit?!" Intsik: "Ako benta ice water." ++++ Nag-uusap ang tatlong embalsamador. "Grabe yung nagawa ko noong isang araw, bumangga ang kotse ng lalaki sa poste pero dahil walang seatbelt, isang oras bago ko naalis lahat ang bubog sa mukha ng lalaki," kuwento ng una. "Pare, wala 'yan sa inayos ko noong isang linggo. Batang naka-bike at nasagasaan ng train. Limang oras bago ko naihiwalay ang katawan ng bata sa bakal ng bike," kuwento naman ng ikalawa. "Talo 'yan sa inayos ko noong isang buwan. Babaeng nagpapa-parachute, hindi bumukas ang parachute. Tuluy-tuloy ang bagsak at nasaksak siya sa flagpole. Isang linggo bago ko naalis ang ngiti ng babaeng ito," kuwento ng ikatlo. ++++ Alam mo ba irog kung bakit hulog ka ng langit? Bakit Mahal? DAHIL BAWAL KA DOON...! ++++ Lumulubog ang barko.... ala Titanic ba... Pari: San Pedro! San Jose! San Juan!.... Madre: Sta. Maria! Sta. Clara! Sta.Lucia!... Intsik: Ano beyan! lubok na bahko tawak tawak pa kayo pasahero!!! ++++ Husband: (shouting) Honey, mag-empake ka na! Nanalo ako sa lotto! Wife: Wow, naman, sweetheart! Sige, mag-uumpisa na ako.Ano ang dadalhin ko? Husband: Wala akong pakialam!!! Basta lumayas ka na dito!!! Galing sa email na ipinadala ni: Melodramatic fool =============== WebWorks Webhosting and Design. Domain name registration and Affordable virtual servers with web-based control panel at http://webworksco.com =============== WIFE: wala kang kwenta! TAMAD. iiwanan na kita! HUSBAND: sige, subukan mo! pag ginawa mo yan maglalaslas ako! WIFE: ULOL! magpatuli nga takot ka, maglaslas pa kaya! SUPOT!!! =) +++ MISIS: Lolokohin ko mister ko. Magpapanggap akong "pick-up girl". (pagkita kay mr.) Hi, pogi! AVAILABLE ako ngayon. MISTER: Ayoko sa iyo. Kamukha mo ang misis ko! Galing kay Melodramatic fool Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa __ ||__\ http://www.bayani.com || \\ ||__// Para magpalista, pumunta sa website ||__< o lumiham sa sulat@bayani.com || \\ ||__// Huwag sana tanggalin ito upang ||__/ makapagpalista rin ang ibang tao Inyong lingkod, Super Perez Tagapamahala http://www.bayani.com http://web.ph - Pinoy portal http://1ph.net - Uniting Online Philippines http://philshopping.com - Philippine Online Mall http://1hunt.net - Web Works website design, hosting and internet consultancy mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - mga medyo bastos na patawa mailto:bayani-subscribe@egroups.com - makilahok sa usapang bayan