Subject: Bayani.com Balita #65
Date: Wed, 07 Jun 2000 19:48:21 +0800
From: Super Perez <super@bayani.com>
Reply-To: bayanibalita-owner@egroups.com
To: See_Bayani_com <SeeMySite@bayani.com>

Kaibigan,

Buhay pa po!
Salamat sa mga sumulat.  Medyo busy lang po dahil sa pag-asikaso
sa darating na pasukan.  Sa martes po ang umpisa sa Fatima
medicine e.

Ang pinoy talaga.  Ang galing manggaya.  Nagsimula sa lechong
manok at natuloy sa paglaganap ng mga internet cafe at isp.  May
listahan po ng mga ISP sa http://isp.web.ph.  Kung nais ninyong
lumipat ng isp, bisitahin po ninyo muna ito.  Lagpas 180 na pala
ang isp sa pilipinas.  Marami ring internet cafes.  May listahan
din doon.

Konting balita lang.  Wala pong katotohanan ang email na umiikot
na nagsasabing ininsulto ni Mariah Carey si Regine Velasquez.
Ayon kay Donita, hindi daw niya ito nainterview.

Yun lang, eto na ang patawa.  Dahan dahan sa pag-gaya.

Pahabol, huwag po kayong magpapalista ulit.  Isang beses lang po
sana kasi mahirap tanggalin ang mga ulit.

===============

Tuwing naririnig kitang kumanta, parang gusto kong itape,,,,,,,

ITAPE ang bibig mo!!!!!

++++++

Man: Doc, help me uminom ako ng baygon.
Doc: Bakit, magsusuicide ka?
Man: Hindi. Nakalunok kasi ako ng buhay na ipis.
Doc: Tange! Dapat kumain ka na lang ng tsinelas.

++++++

Erap to Bro. Mike Velarde.
Erap: Can Prostitutes be saved?
Bro. Mike: Siyempre!
Erap: Sige, i-save mo ako para sa Sabado night.

Mga padala ni Ariel Morales

===============
Nais ninyo bang magkaroon ng sariling .ph na website?  Magpunta
lang sa http://web.ph
===============

2 PMA Cadets
Pedro: Pare may tsismis na may bading dito sa dorm natin.
Juan: Huh! Sino?
Pedro: Sasabihin ko sa iyo pero kiss muna.

Mga padala ni Ariel Morales

===============
WebWorks Webhosting and Design.  Affordable virtual servers with
web-based control panel at http://1hunt.net
===============

Mga Patawa ni ONNIE
Mga taga Batangas walang samaan ng loob rie namay biro laang.

Batangeyo Jokes.
Isang Batangenyo ang sumakay ng eroplano patungong CEBU, yung
apat ang makina na de elisi pa, nakaupo na ito at nag salita na
ang Flight Stewardess.

Nang ang mga bagay ukol sa safety at sinabi na nito na ang oras
ng lipad ay tatagl ng ISANG ORAS AT KALAHATI. Matapos ang ilang
minuto ay tumigil ang isang makina ng eroplano at medyo
nagkaingay ang mga pasahero kaya tumunog ang alert tone at
nagsalita ang piloto.

Piloto: Ito po ang piloto ng eroplano na ito patungong Cebu.
Huwag po kayong mabahala, tumigil ang isang makina ng eroplano
kaya tatlong makina na lamang po ang umaandar, wala po tayong
problema. Ang lipad
po natin na dating ISANG ORAS AT KALAHATI ay magiging DALAWANG
ORAS na po bago tayo makarating sa Cebu. Salamat po.

Makalipas ang ilang sandali, ay tumigil na naman ang isang makina
kaya tulad ng dati ay...

Piloto: Mga mahal na Pasahero ng Flight na ito patungo Cebu.
Tumigil na naman po ang isa pang makina kaya dalawa na lamang
makina ang umaandar wala naman pong problema, subalit ang lipad
po natin kanina na binago na tatagal ng DALAWANG ORAS ay magiging
DALAWANG ORAS AT KALAHATI NA PO. Maraming salamat po.

Makalipas ang ilan pang sandali ay tumigil na naman ang isang
makina, kaya ulit ay nagsalita ang piloto...

Piloto: Mga ginigililw na pasahero sa flight na ito patungong
Cebu, gaya ng napansin ninyo ay tumigil na naman ang isa pang
makina gn eroplano kaya isa na lang po ang makinang umaandar,
wala pa rin pong problema, subalit ang binagong oras ng lipad
natin na dapat ay DALAWANG ORAS AT KALAHATI LAMANG, ngayon po ito
ay tatagal na ng TATLONG ORAS. Sa tagpong ito ay di na nakatiis
ang Batangenyo at tumnayo ito at nagsalita ng malakas...

Batangenyo: Aba kabayan, pagbutihin mo naman. Kapag tumigil pa
yang isang makinang natitirang umaandar na iyan ay GAGABIHIN NA
TAYO.

+++++++++++++++

CINE:
Nag gagala sa Maynila si Bugoy ng makakita ng maraming tao sa
harap ng sinehan, nalaman niya na doon mapapanood si Fernando Poe
sa malaking screen di gaya ng TV na maliit lamang. Nagtanong
tanong kung papano makakapasok at sinabihan siya na tutubos muna
siya ng ticket sa harap at babayaran niya ito ng P50.00 at
makakapasok na siya.

Bugoy: Isa nga pong Ticket. Binigyan siya matapos magbayad ng P
50.00 dala dala ang ticket at kinuha ito ng Takilyera  at
pinunit..

Bugoy: Aba, sino kaya yoon at pinunit ang ticket ko, di bale,
mahirap ng makipagaway sa di mo lugar.

(bumalik si Bugoy sa ticket booth matapos magpalipas ng ilang
sandali at..)
"Pabili pa nga ng isang ticket.."
binigyan na naman siya at dala ang ticket papasok sa loob ng
tawagin na naman siya ng takilyera at pinunit ulit ang ticket
niya.

Bugoy: Aba tila mapapaaway na ako nito ah.  pero sabi ni itay ay
pasensiya lamang hanggat maari, kaya bumili na naman si Bugoy ng
ticket " Isa pa ngang ticket..." at dala dala ito papasok sa
loob, Itinaas niya
ang mangas ng kanyang T shirt at itinikom ang kamay na pang
suntok at itinutok ang kamay na ito sa
mukha ng takilyera sabay sabi ng...
" AKO INENG AY WALA NG PERA, KAPAG PINUNIT MO PA IYAN AY UUMBAGIN
NA KITA KAHIT NA BABAE KA."

===============
Gusto niyo mag-shopping?  Magpunta sa http://1hunt.com o
http://philshopping.com.
===============

Upon arriving in Mactan International Airport:
REPORTER: Sir, may we ask how is our economy doing?
ERAP: Bah malay ko! Sa business class ako naka-upo eh!

++++++++

Lalake: Taksil! Baog ako, paano ka nabuntis? Sinong ama? Ang
kaibigan kong si Kadyo? Si Pekto? O ang kaibigan kong si ano?
Babae: Puro ka kaibigan mo! Kaibigan mo! Bakit wala ba akong
kaibigan?!

Mga patawa ni Joselito Mancanes

Nakalista sa http://www.bayani.com/patawa

  __
||__\   http://www.bayani.com
||  \\
||__//  Para magpalista, pumunta sa website
||__<     o lumiham sa sulat@bayani.com
||  \\
||__//  Huwag sana tanggalin ito upang
||__/     makapagpalista rin ang ibang tao

                      Inyong lingkod,
                      Super Perez
                      Tagapamahala
                      http://www.bayani.com

http://web.ph - Pinoy portal
http://1ph.net - Uniting Online Philippines
http://philshopping.com - Philippine Online Mall
http://1hunt.net - Web Works website design, hosting and
        internet consultancy

mailto:pinoyjokes-subscribe@egroups.com - mga medyo bastos na
patawa
mailto:bayani-subscribe@egroups.com - makilahok sa usapang bayan

------------------------------------------------------------------------
Remember four years of good friends, bad clothes, explosive chemistry
experiments.
http://click.egroups.com/1/4051/6/_/20606/_/960378441/
------------------------------------------------------------------------

http://www.bayani.com - The first site to be written entirely in Pilipino.
http://www.philshopping.com - Philippine Shopping
http://1hunt.com - International Shopping
http://www.web.ph - The Pinoy site directory